^

PSN Showbiz

Lalaking personalidad na tumanggap ng maraming ayuda, hindi tinutulungan ang sariling makabangon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakalungkot ang balitang umiikot ngayon na nawalan din ng saysay ang pagtulong ng kanyang mga kapwa artista sa isang kilalang male personality.

Nagbigay ng tulong na pinansiyal ang mga kasamahan niyang artista, may grupo pa ngang nanawagan para sa kanyang kalagayan, isang mapusong news anchor din ang nagbigay sa kanya nang mala­king tulong para sa kanyang gamutan.

Lahat ay umaasang magiging maayos na ang kanyang kundisyon dahil meron na siya ng lahat ng kanyang mga kailangan para tuluyang gumaling.

Pero totoo ang sinabi ng isang source, “Nasa may katawan ‘yun. Hanggang sa pag-ayuda lang ang magagawa ng ibang tao, nasa kanya pa rin ang desisyon para mapaayos ang buhay niya,” komento ng impormante.

Isang dating malapit sa male personality ang nagsabi na hindi pa rin niya tinatantanan ang kanyang bisyo. Maraming kumokontra sa kanya pero wala siyang pinakikinggan.

Balik-kuwento ng aming source, “Tama bang napakarami nang tumutulong sa kanya para maibangon siya, pero siya naman itong nagpapatihiga?

“Tama rin bang ikatwiran niya na konting panahon na lang daw ang natitira sa kanya, kaya sasamantalahin na niya sa pagpapasaya sa sarili niya?

“Okey lang namang gawin niyang masaya ang buhay niya, totoo namang maigsi lang ang buhay, pero huwag naman sana sa paraang mapapadali ang buhay niya dahil sa kapabayaan niya!” inis na komento ng source.

Sa kabila pala ng naganap ay hindi pa rin kinuha ng kanyang pamilya ang aktor, ayon sa aming impormante ay hindi man lang nagparamdam ang kanyang asawa at mga anak, parang hindi alam ng mga ito ang kanyang pinagdaanan.

Pahayag ng aming source, “Mahirap kasing mag-comment, hindi naman natin alam kung ano ba ang nangyari sa kanila kaya ganyan ang nangyayari ngayon. Malalim ang problema, dahil kung mababaw lang, magkakasama na sana sila ngayon.

“Pero wala pa rin, e. Mukhang napakatindi ng nangyari sa kanila, kaya ganyan. ‘Yun din siguro ang pinanggagalingan kung bakit nagkakaganyan si ____(pangalan ng male personality).

“Sa kanya dapat manggaling ang ikaaayos ng buhay at kundis­yon niya, hindi ibang tao. D’yan dapat nakatuon ang utak niya, d’yan,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Luis noong October pa nag-propose kay Jessy

Huling linggo ng Oktubre nang sulatin namin sa pamamagitan ng blind item ang paghahanda na ng isang showbiz couple para sa kanilang pagpapakasal.

Dalawang araw lang pagkatapos ay pinangalanan namin nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu kung sino ang mga bumibida sa aming blind item sa Take It, Per Minute… Me Gano’n.

Sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Hindi nanununog at nangunguryente ang impormanteng nagtawid sa amin ng kuwento. Abalang-abala na sina Luis at Jessy sa pag-aasikaso sa mga detalye ng kanilang pagharap sa altar.

Matindi pa nga ang paghahamon ng aming kausap nang sabihin naming parang hindi naman totoo ang balita. Walang ingay. Pareho pang nagdedenay sina Luis at Jessy.

Sabi ng aming source, “Parang pagpapa-abort lang ang ganyang scenario. Makapaglilihim ang doktor, ang nurse na nag-assist, pero hindi ‘yun maitatago sa janitor, sa guwardiya, sa iba pang nasa clinic.”

At heto na nga, pinagpipistahan na ang pahimakas ng magkarelasyon na 12-12-20, na inakala rin ng mas nakararami na promo lang ng dalawang magkalabang kumpanya.

Sa Amanpulo ginanap ang pre-nuptial pictorial nina Luis at Jessy, at kapag meron nang pictorial na ikakambal sa kanilang wedding invitation ay ano pa ba ang kasunod na magaganap, may maitatago pa ba sila?

Sabi pa ng aming source, “Ano, kinuryente ko ba kayo? Ayan na ang totoo! May pre-nup pictorial na para sa invitation at wedding CD nila, kaya wala nang maitatago sina Luis at Jessy.

“Actually, ang pagkakaalam namin, e, nu’ng October pa nag-propose si Luis, ‘yung unang singsing na ipinakita ni Jessy pero binura rin agad ang ring na ibinigay sa kanya ni Luis.

“Ikalawa na lang ang ring na ipinakita sa pictorial nila, mas malaki ‘yun, lumabas ang pera ni Luis, nasa 4 karat ‘yun na walang carbon, very expensive dahil sa clarity ng diamond,” impormasyon pa ng aming kausap.

Sa wakas ay matutupad na ang hiling ng Star For All Seasons na magkaroon na ng apo sa kanilang anak ni Edu Manzano.

Napakabilis nga namang tumakbo ng panahon, napakarami pang nagaganap na indulto sa buong mundo, kaya panahon na talaga para magpakasal na ang apat na taong magkasintahang sina Luis at Jessy.

vuukle comment

JESSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with