^

PSN Showbiz

Security ni Sarah Geronimo 'sinapak sa lalamunan' ni Matteo Guidicelli

James Relativo - Philstar.com
Security ni Sarah Geronimo 'sinapak sa lalamunan' ni Matteo Guidicelli
Ayon sa ulat ng Southern Police District, pasado alas-onse ng gabi nang paliparin daw ni Matteo ang kamao patungo sa lalamunan ng nasabing bantay habang nasa Shangri-La, Bonifacio Global City.
File photo

MANILA, Philippines — Ang masaya sanang kasalanan, nauwi sa sakitan matapos diumano magkainitan ang aktor na si Matteo Guidicelli at security ng bagong kabiyak na si Sarah Geornimo, Huwebes nang gabi.

Ayon sa ulat ng Southern Police District, pasado alas-onse ng gabi nang paliparin daw ni Matteo ang kamao patungo sa lalamunan ng nasabing bantay habang nasa Shangri-La, Bonifacio Global City.

Kinilala ang biktima bilang si Jerry Tamara, 31-anyos, na family security at close in security ni Sarah habang ikinakasal sila sa huwes.

Kwento ni Tamara, nagsimulang magkagulo nang sumulpot sa civil wedding nina Matteo at Sarah ang ina ng huli na si Mommy Divine.

"[H]umingi siya nang kaonting sandali para makipag-usap ang anak na babae sa dahilang hindi siya binalitaan patungkol sa kasal," sabi ng police report sa Inggles.

"Nang malaman niya, kinompronta at inakusahan ni Matteo ang nagrereklamo bilang nasa likod ng pagsusumbong sa ina ni Sarah patungkol sa civil wedding."

Bandang alas-tres y media ng madaling araw, Biyernes, nang magtungo si Tamara sa Police Community Precinct 7, Taguig upang ipa-blotter ang insidente.

Gayunpaman, tumanggi ang nasuntok na ma-"refer" o maghain ng pormal na kaso laban sa actor-turned-suspect. 

Ika-20 ng Pebrero, umaga, nang unang i-ulat ng entertainment columnist na si Ricky Lo nakatakdang ikasal nang lihim sina Matteo at Sarah kahapon

Nagduda ang marami sa balita ito lalo na na't mamataan sa taping ng "The Voice Teens" ang "Pop Star Princess," na inaasahang aabutin nang gabi.

Gayunpaman, natuloy pa rin ang pag-iisang-dibdib ng showbiz couple.  — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

MOMMY DIVINE

PHYSICAL INJURY

SARAH GERONIMO

WEDDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with