^

PSN Showbiz

Roxanne ayaw ng boring na dyowa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Roxanne ayaw ng boring na dyowa
Roxanne

Inamin ni Roxanne Barcelo na talagang malaki ang paghanga niya kay Vice Ganda mula noon pa man. Sobrang saya raw ng aktres noong unang makita nang personal ang komedyante.

“No’ng kaibigan ko pa si Eruption, nasa Showtime pa siya, kinukulit ko ‘yan,’ Sama mo naman ako sa Showtime. Gawin mo akong PA (personal assistant) kahit isang beses, ‘yung biro na gano’n pero totoo. Sinama niya ako isang beses, nagpa-picture ako. Nagpa-picture ako sa kanya tapos lumabas ako ng dressing room na umiiyak ako. Sabi ni Eruption, ‘Gano’n ka ba ka-fan?’ Sabi ko, ‘Oo!’ ‘Sh*t blurred ‘yung photo,’ sabi niya. Sabi ko, ‘Hay*p! Hindi na ako makakapagpa-picture ulit kasi hulas na,’” natatawang kuwento ni Roxanne.

Samantala, walang karelasyon nga­yon ang aktres. Matatandaang si Wil Devaughn ang huling naging kasintahan ni Roxanne. Tumagal din ng mahigit apat na taon ang relasyon ng dalawa.

Kahit walang nobyo ay masaya naman daw ang lagay ng puso ng dalaga sa kasalukuyan. “Ang daming nangyari sa akin last year na parang napi-feel ko ‘yung love ng tatay ko. Na-feel ko ‘yung love ni Lord. So parang ‘yung dyowa, hindi ko naram­daman na kulang. Kung mangyayari siya this year, now is a good time for me. “Masaya ako, hindi ko nararamdaman na, ‘I need it pa,’ wala ako sa gano’n. Kung may dyowa ako, eh di pak! Bongga ‘yung mga ganap. But I have my family naman and I have all my friends na very generous sa pagmamahal nila sa akin kaya parang wala talagang kulang,” paglalahad niya.

Matatandaang pumanaw noong isang taon ang ama ni Roxanne. Kung maaari raw ay kapareho ng mga kata­ngian ng namayapang ama ng aktres ang mga katangian ng magiging bagong kasintahan ng dalaga. “‘Yung character na hinahanap ko sa isang lalaki very close sa tatay ko. Very specific ‘yung gano’ng klaseng pagmamahal na unconditional, na may certain intelligence na hindi ako mabo-bore. I’m very outgoing, hindi na ako pwede sa boring na environment. ‘Yon lang naman ang hinahanap ko sa guys,” pagbabahagi ng aktres.

vuukle comment

ROXANNE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with