^

PSN Showbiz

Dingdong Dantes lieutenant commander na ng Philippine Navy

James Relativo - Philstar.com
Dingdong Dantes lieutenant commander na ng Philippine Navy
"Lieutenant Commander Jose Siexto G. Dantes III PN (Res)," sabi ni Marian kalakip ang litratong kasama ang mister.
Mula sa Instagram ni Marian Rivera

MANILA, Philippines — Mula sa datIng pagiging master sergeant, muling na-promote ang ranggo sa Philippine Navy Reserve Command ng Kapuso star na si Dingdong Dantes.

Ang balitang 'yan, kinumpirma ng kanyang misis at aktres na si Marian Rivera sa kanyang Instagram account, Lunes.

"[Lieutenant] Commander Jose Siexto G. Dantes III PN (Res)," sabi ni Marian kalakip ang litratong kasama ang mister.

"Super proud of my husband... Salute!"

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes ???? (@marianrivera) on

Ayon sa Navy, taong 2006 pa nang magpa-enlist sa Marine Reserve Force si Dingdong, bagay na nagamit daw ng aktor bilang oportunidad upang makapaglingkod sa bansa at mga kababayan.

Ilang araw pa lang din ang nakalilipas nang sinamahan niya ang Hukbong Dagat ng Pilipinas at Hukbong Kawal Pandagat ng Pilipinas, sa pamumuno ni BGen. Ariel Caculitan PNCRC, sa pagdo-donate ng 1,000 relief packs para sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Taal sa evacuation centers.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

Maliban sa pagiging reservist at aktor, hinirang din noon si Dantes bilang commissioner ng National Youth Commission taong 2014.

Matapos ang kanyang termino roon, matatandaang naging matapang din noong 2019 si Dantes, kasama ni Ice Seguerra, sa pagpalag sa substitution ni dating NYC chair Ronald Cardema bilang unang kinatawan ng Duterte Youth party-list.

Paninindigan niya, inabuso at inikutan ni Cardema ang party-list law, lalo na't ginamit daw niya ang tanggapan ng NYC sa pangangampanya ng Duterte Youth kahit na hindi siya nagbibitiw sa pwesto.

Nakatakdang bumida si Dingdong kasama ni Jennylyn Mercado sa Philippine adaptation "Descendants of the Sun," isang tanyag na South Korean series.

Gaganap siya bilang si Captain Lucas Manalo, na kagaya ng kanyang papel sa totoong buhay, ay isang militar.

 

vuukle comment

DINGDONG DANTES

LIEUTENANT COMMANDER

PHILIPPINE NAVY

RESERVIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with