^

PSN Showbiz

Andrea at Derek parang matutuloy sa altar

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Andrea at Derek parang matutuloy sa altar
Derek and Andrea

Two people na in love na in love ngayon sina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Kitang-kita sa kanilang dalawa ang pagmamahal nila sa isa’t isa, ang malaking respeto at mataas na pagtingin sa katauhan ng bawat isa.

One relationship I pray na sana matuloy sa altar ang relasyon nina Derek at Andrea. Sana sila na forever, sana habang tumatagal lalo pang tumibay at sana hindi masira ng kahit anong problema.

Bagay sina Derek at Andrea, physically at emotionally. After the storm, lalo pa nilang minahal ang isa’t isa.

Si Derek ang isa sa pinaka-sweet na tao na nakilala ko samantalang sincere at kind si Andrea.

Put together, the two will have a bind that will make them perfect partners for life. Go on loving each other guys, you look good together.

Unang Hirit pamilya at barkada na ang turingan

Twenty years old na pala ang Unang Hirit, ang morning news and lifestyle show ng GMA-7.

Naiintindihan na natin ngayon kaya sad na sad si Rhea Santos nang iwan niya ang show dahil nag-migrate na sila ng kanyang pamilya sa Canada.

Hindi maaaring tawaran ang Unang Hirit na isa sa mga show na inaabangan tuwing umaga. Naging bahagi na ng buhay natin sina Arnold Clavio, Lhar Santiago, Suzi Entrata, Pia Arcangel, Susan Enriquez, Mang Tani at ang ibang mga UH barkada.

Sa Unang Hirit natin unang maririnig ang mga balita at ang mga host ang pampagising at energizer for the day.

Kapag ganito nang katagal sa ere ang programa, pamilya at barkada na ang turing nila sa isa’t isa kaya looking forward tayo for more years ng Unang Hirit.

Maricel naging tunay na nanay kay Janella

Ngayon ang first day sa mga sinehan ng The Heiress, ang suspense-thriller movie ng Regal Entertainment Inc.

Confident si Mother Lily Monteverde at ang kanyang daughter na si Roselle na magugustuhan ng moviegoers ang bagong pelikula nila na pinagbibidahan nina Maricel Soriano at Janella Salvador.

Gustong-gusto ni Maricel ang kuwento ng The Heiress. Kung siya ang dating tinatakot at natatakot sa kanyang mga nakaraan na horror movie sa Regal Films, si Maricel naman ang mananakot sa The Heiress dahil mangkukulam ang role niya.

Tita ni Janella ang karakter ni Maricel sa pelikula at isasalin niya sa kanyang pamangkin ang kapangyarihan bilang mambabarang.

Sinubukan ni Mother na isali sa 45th Metro Manila Film Festival ang The Heiress pero hindi ito napili. Malay natin, baka blessing in disguise ang nangyari.

Si Frasco Mortiz ang direktor ng The Heiress at big honor sa kanya na makatrabaho si Maricel.

Mainit pa ang isyu tungkol sa paghihiwalay nina Janella at Elmo Magalona nang magsimula ang shooting ng The Heiress.

Parang naging tunay na nanay ni Janella si Maricel dahil sa mga love advise na ibinigay nito sa kanya.

May karapatan si Maricel na payuhan si Janella dahil sa mga karanasan niya sa pag-ibig.

vuukle comment

ANDREA TORRES

DEREK RAMSEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with