^

PSN Showbiz

Alyssa Muhlach biglang eksena kay JM!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Alyssa Muhlach biglang eksena kay JM!

Marami ang nagtatanong kung sino ba raw si Alyssa Muhlach na biglang napatu­ngan ang papel ni Arci Muñoz at siyang kapareha ni JM de Guzman sa bagong serye ng ABS-CBN na Pamilya Ko, starring Sylvia Sanchez at Joey Marquez na kuwento ng isang masayang pamilya pero, may itinatago palang lihim ang mga miyembro.

Si Alyssa ay naging kandidata sa Miss World Philippines 2018 at napiling Reina Hispanoamericana Filipinas 2018. Pamangkin siya ni Aga Muhlach, anak nina Almira Muhlach at baskebolistang si Paul Alvarez

Si JM ang panganay sa walong anak na sa trailer pa lamang ay malalaman nang may problema sa kanyang ina. At sa dalawa niyang kapareha, ang isa ay kay Alyssa at ang ikalawa ay ang BFF niyang si Arci. Hindi silang tatlo lamang ang love triangle sa serye, na dinagsa ng maraming artista rin sa role pa lamang ng walong anak (JM, Kiko Estrada, Kid Yambao, Jarius Aquino, Raikko Matteo, Maris Racal, Kira Balinger, Mutya Orquia) kundi maging si Irma Adlawan na gumaganap na kabit ni Joey.

Makikita agad ang eksenang sabunutan between Maris and Irma na siyang unang magkakakumprontasyon kaysa kina Irma at Sylvia na ang unang pagsasabong ay nakunan na.

Nasa direksyon nina Raymond Ocampo at Paco Sta. Maria ang serye na mapapanood simula September 9 kapalit ng Minute To Win It.

Derek at Andrea maraming nililito sa closeness

Ginugulo talaga nina Derek Ramsay at Andrea Torres ang mga manono­od nila ng The Better Wo­man kung anong relasyon meron sila. Walang direktang kumpirmasyon na nagmumula sa kanila bagaman at hindi nila maitago ang saya na namamagitan sa kanila sa tuwing nakikitang magkasama sila, sa trabaho man o sa labas nito. At sumasama pa si Andrea na manood ng mga paboritong laro ni Derek, gaya ng Frisbee na sumama pa siya sa abroad para manood nito at sa MPBL.

Marami rin ang nagtatanong kung si Andrea na ba ang magri-reyna sa bagong bahay ng hunk actor at naipakilala na niya ang aktres sa mga magulang niya pero, it remains to be seen until such time na tapos na ang The Better Woman pero, nananatili pa rin ang kanilang relasyon.

Kaya, maghihintay pa kayo ng matagal. Kapusong Ilonggos had a sizzling weekend as Derek and Andrea visited the City of Love  August 31, courtesy of GMA Regional TV. Lahat ng nakapanood sa dalawa ay nagkakaisa na hindi para promo ng TBW ang nasaksihang closeness nila.

vuukle comment

ALYSSA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with