^

PSN Showbiz

Dragon Lady tatapusin na!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Dragon Lady tatapusin na!

SEEN: Magwawakas sa July 20 ang Dragon Lady, ang afternoon drama series ng GMA 7. Ang Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko ang ipapalit sa timeslot nito. Sina Megan Young, Kris Bernal, Rayver Cruz at Kim Domingo ang lead stars ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko na mapapanood sa afternoon prime ng GMA 7, simula sa July 22, 2019.

SCENE: Naging emosyonal at napaluha si Starstruck Council member Cherie Gil noong June 30 episode ng reality-based artista search ng GMA 7 dahil binigyan ng tsansa na makabalik sa programa ang eliminated aspiring stars.

SEEN: Pinupuri si Quezon City Mayor Joy Belmonte dahil sa maaga at maagap na desisyon niya na suspendihin kahapon ang klase sa Quezon City para hindi maapektuhan ang mga estudyante ng malakas na buhos ng ulan. Kahapon ang unang araw ng panunungkulan ni Belmonte bilang mayor ng Quezon City.

SCENE: Tanghali na nang ideklara ni Manila City Mayor Isko Moreno na suspendido kahapon ang klase sa Maynila dahil sa masungit na panahon.

SEEN: Ang P125 salary increase sa private sector workers, ang ibaba ang mandatory age of retirement ng government employees at pag-aalis ng value added tax sa mga gamot para sa mental health conditions ang mga panukala ni Bong Revilla, Jr. sa unang araw ng panunungkulan niya bilang senador.

SCENE: Maligayang-maligaya ang mga residente ng Pasig City dahil bumalik na kahapon sa kanilang lugar ang Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga. Tatlong taon na hindi bumisita sa Pasig City ang Dabarkads ng Eat Bulaga dahil sa usapin na political.

vuukle comment

DRAGON LADY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with