^

PSN Showbiz

Makisig pakakasal na sa Australia!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Makisig pakakasal   na sa Australia!
Makisig at Nicole

Pakakasalan na ni Makisig Morales ang kasintahang si Nicole Joson sa susunod na taon. Sa Australia nakatakdang manirahan ng dalawa pagkatapos magpakasal sa darating na June. “Plano namin do’n mag-settle talaga pero may plans din kami dito (sa Pilipinas) like may mga work din dito. I’ll probably move to Sydney. Kasi madaming job opportunities do’n lalo na sa culinary kasi passion ko talaga ‘yon eh. Masaya ako ‘pag ginagawa ko ‘yon. If ever may job opportunity rin sa ABS-CBN, willing ako umuwi,” nakangiting pahayag ni Makisig.

Kamakailan lamang nag-propose ng kasal ang aktor kay Nicole at tanging ang mga magulang lamang daw ni Makisig ang nakaalam tungkol dito. “Alam nina daddy at mommy. Hindi alam ng mga kapatid ko. Tapos si daddy na lang nagsabi sa kanila na, ‘Si Kuya Mak n’yo magpo-propose na.’ Hindi naman ako nahirapan kasi pagsabi na pagsabi ko sa kanila, ang sabi ni daddy, ‘tara bili na tayo ng singsing,’” natatawang kwento ni Makisig.

Ayon sa aktor ay nagustuhan kaagad ng kanyang mga magulang ang kasintahan nang una pa lamang na ipakilala ang dalaga sa mga ito sa pamamagitan ng internet. “First time ko sila napakilala no’ng nandito pa sa Pilipinas. Kasi alam nina daddy na merong something. Sabi ni daddy, ‘Baka may ipapakilala ka na?’ Sabi ko sa kanila, ‘Sige po mamaya tawag tayo, dinner tayo, sabay. So sabay kami nag-dinner, si mommy, daddy, ako at si Nicole,” pagbabahagi ni Makisig.

Maymay at Edward, hindi nagpipilit magpakilig

Isa ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber sa magpapakilig sa pelikulang Fantastica na pinagbibidahan ni Vice Ganda.

Masayang-masaya si Edward dahil sa kakaibang karanasan niya sa nasabing Metro Manila Film Festival 2018 entry. “Ako ‘yung kapatid ni ate Vice Ganda. Sigurado ako matutuwa kayo. Si direk Barry (Gonzales), nagbibigay siya ng freedom. Halos lahat ng eksena spontaneous. ‘Yung script parang guide lang. Pero ‘yung mga jokes, ‘yung kilig, lahat parang on the spot lahat. So we had a lot of freedom to be who we are or who the characters are,” kwento ni Edward.

Ayon naman kay Maymay ay nagkasundo silang dalawa ng aktor na hayaan lamang nilang lumabas ang natural na pagpapakilig ng kanilang tambalan. “Kasi may binibigay sa amin na script. Tapos nasa amin na ‘yon kung paano namin lalaruin. Bale hindi naman kailangan paghandaan talaga na kailangan ganito gagawin mo, hindi gano’n. Parang kusa lang siyang lumalabas para mas maging natural. Magpakatotoo ka lang tapos hindi mo kailangang i-push ‘yung sarili mo para magpakilig. Parang natural lang lalabas ‘yon eh. Hindi mo kailangang ipilit ‘yung sarili mo para maging iba ka sa iba,” pahayag naman ni Maymay.

Bukod sa MayWard ay magpapakilig din sa nasabing pelikula ang mga tambalan nina Kisses Delavin at Donny Pangilinan, Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

vuukle comment

MAKISIG MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with