^

PSN Showbiz

Gerald nahiya nang ipakita ang puwet!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Gerald nahiya nang ipakita ang puwet!

Gerald

Lumabas sa My Perfect You, ang Star Cinema movie na showing na sa March 14, ang pagka-aktor ni Gerald Anderson. Payo sa kanya ni direk Cathy Garcia Molina, ‘wag na niyang ibalik ang dating acting na hindi na-appreciate ng director.

Anyway, nakita ng press people ang pagba-blush ni Gerald nang mapag-usapan ang butt scene niya sa movie. Sabi kasi ni Pia Wurtzbach, maputi ito. Sabi ni Gerald, puwet niya talaga ang mapapanood sa pelikula.

Muling nag-blush si Gerald nang mabanggit si Bea Alonzo na kapareho raw ng middle intial ni Pia. Hindi na pala nakahirit at nakapag-deny si Gerald nang tawagin ng press na “girlfriend” niya si Bea.

Dennis at Jennylyn walang selosan kahit may kalandiang iba sa trabaho

Ang kulit ng pa-cute ni Dennis Trillo kay Jennylyn Mercado sa socmed. Nag-comment kasi ang aktor ng “Ang ganda naman nung naka cap” sa photo ng aktres at friends nitong sina Annalyn Barro at Nar Cabico. Kaya namang kili-kiligan ang mga nakabasa.

Curious pala ang fans nina Dennis at Jennylyn kung hindi ba nagseselos ang aktres sa three leading ladies ng aktor sa The One That Got Away lalo na kina Lovi Poe at Rhian Ramos kung saan may kissing scene si Dennis.

Natanong na si Dennis tungkol dito at masayang sinagot na hindi nagseselos si Jennylyn. In the same way na hindi siya nagseselos sa kissing scene ng GF sa mga nakakapareha nito.

Rocco inilantad ang GF

Hintay-hintay lang at malapit nang mag-post si Rocco Nacino ng malinaw na photo ng girlfriend niyang si Melissa Gohing.

Sa latest post ni Rocco sa socmed, nasa beach sila ng GF at first time niyang mag-post ng picture nilang dalawa. Pero bukod sa malayo, madilim pa kaya hindi kita ang mga mukha nila. Bumawi naman si Rocco sa caption na “Quick sweet escape with this one. Life is good” at may kasamang heart emoji.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with