^

PSN Showbiz

Tatlong Pinay mag-aagawan sa korona ng Miss Intercontinental! ; Anak nila ni Mariel dawit sa ipinaglalaban ni Robin ; Spanky Manikan pumanaw na sa lung cance

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Tatlong Pinay mag-aagawan sa korona  ng Miss Intercontinental! ; Anak nila ni Mariel dawit  sa ipinaglalaban ni Robin ;  Spanky Manikan pumanaw na sa lung cance

Raquel, Kumi at Katarina

SEEN: Bakasyon grande si Ricky Davao sa Paris, France pagkatapos ng taping niya sa My Korean Jagiya. Mami-miss ng televiewers ang Tita Josie gay character ni Ricky sa teleserye ng GMA 7 na nagtapos noong Biyernes.

SCENE: Nadadamay ang anak nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa naging trato ng aktor sa Korean contestant sa Pilipinas Got Talent noong Sabado na matagal nang naninirahan sa Pilipinas pero hindi pa rin natututo na magsalita ng wikang Pilipino. Kung talagang makabayan daw si Robin, bakit isinilang ni Mariel sa Amerika ang kanilang anak ang tanong ng mga kritiko niya.

SEEN: Ang makahulugan na statement ni Robin Padilla tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan at wika: “Filipino Hospitality is far different from slavery and stupidity.. mahalin mo ang bayan mo at ang lahi mo, lalo ang wika mo bago ang lahi at wika at bayan ng dayuhan. Always Fight for your freedom to gain respect never allow a foreign power to intimidate you in your country just because they are rich. Be a proud Filipino!!! Mabuhay ang lahing kayumanggi!! Mabuhay ang Tagalog Republic!!!”

SCENE: Ang Cinema 8 ng TriNoma ang venue ngayong gabi ng grand premiere ng Mama’s Girl ng Regal Entertainment, Inc. Bida sa Mama’s Girl si Sylvia Sanchez.

SEEN: Tatlong kandidata sa Miss Intercontinental 2018 ang may dugong Pilipina, si Miss Philippines Katarina Rodriguez, si Miss USA Raquel Basco at si Miss Japan Kumi Miyamae na graduate ng Ateneo de Manila University. Sa January 26 ang coronation ng Miss Intercontinental sa Hurghada, Egypt.

SCENE: Namasyal kahapon sa Intramuros, Manila si Brooklyn Beckham, ang bagong international celebrity endorser ng Bench. Hindi pa masyadong kilala si Brooklyn ng masang Pilipino.

SEEN: Si Brooklyn ang panganay na anak ng football superstar na si David Beckham at former Spice Girls member na si Victoria Adams aka Posh Spice. Namana ng 19-year-old son nina David at Victoria ang malakas na charisma ng kanyang mga magulang dahil pinagkaguluhan siya ng Filipino fans sa book signing event niya noong Sabado.

SCENE: Pumanaw kahapon, January 14, ang veteran actor na si Spanky Manikan dahil sa lung cancer. Huling napanood ang 75-year-old actor sa Philippine adaptation ng My Love From The Star ng GMA 7 noong nakaraang taon.

vuukle comment

MISS PHILIPPINES KATARINA RODRIGUEZ

Y KOREAN JAGIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with