^

PSN Showbiz

Blaster Silonga may napatunayan sa paggigitara

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - After ng halos walong buwan na kompetisyon, nanalo ang 17-anyos na si Blaster Silonga sa Music Hero: Battle of the Champions segment ng Eat Bulaga kamakailan.

Nanalo si Blaster laban sa pito pang finalists para sa titulong Ultimate Music Hero. Nanalo siya ng 500,000 pesos.

Tumakbo ang Music Hero sa Eat Bulaga mula noong August. Ngunit imbes na mga singers, binigyan naman ng Eat Bulaga ang mga instrumentalists ng spotlight. Mga musikerong 19 years old pababa ang naglaban-laban base sa kanilang mga instrumentong tinutugtog.

Sa huli, walo ang naiwan para sa grand finals: Blaster (Electric Guitar Hero), Joaquin Rodrigo (Ultimate Drums Hero), Josh Espinosa (Ultimate Saxophone Hero), Zild Benitez (Ulitmate Bass Guitar), Brian Feliciano (Ultimate Flute Hero), Radlee Lacquian (Ultimate Acoustic Guitar Hero), Jim Tan (Ultimate Keyboards Hero), and Dominique Casacop (Ultimate Violin Hero).

“Masaya saka humbled. Hindi ko inakala na mananalo ako. Alam kong competition ito and kailangan kong galingan, pero hindi ko na inisip na kailangan manalo ako. Wala na po yun. Ang inisip ko na lang is to enjoy and to play my music,” ika ni Blaster.

Para mapanalunan ang titulo, kinailangang magwagi ni Blaster sa dalawang rounds ng kompetisyon: ang band round, kung saan tinugto ni Blaster kasama nina Joaquin, Josh, at Zild ang Locked Out of Heaven ni Bruno Mars; at ang solo round, kung saan tinugtog niya ang If I Ain’t Got You ni Alicia Keys.

“Maganda talaga yung message ng kanta. Favorite ko yung kanta na yun, bata pa lang ako noon. Ang lakas ng dating sa akin. Yung If I Ain’t Got You, kay Lord ko po kinakanta yan. Kahit anong meron ako ngayon, if I ain’t got you wala rin,” sabi ni Blaster.

Isang Grade 11 student si Blaster sa Berean Crosspointe International School sa Marikina City. Natuto siyang tumugtog ng electric guitar sa pamamagitan ng panonood ng Youtube videos. Sina Michael Jackson, John Mayer, at mga gitarista na sina Eric Clapton at Paul Gilbert ang kanyang mga musical idols.

“Dati, gusto ko maging gitarista. Lately, narealize ko na iba yung gitarista sa musikero. Pag gitarista ka lang, marunong ka mag gitara. Pero iba yung nasa kaluluwa mo yung music. Gusto ko marunong ako mag gitara pero naiintindihan ko rin kung paano gumana yung drums, yung bass,” sabi ni Blaster.

“Ngayon, patuloy lang sa pag-share ng music ko. Ayoko na dito lang magtatapos. Gusto ko tuluy-tuloy,”

Ayon kay Jenny Ferre, senior vice-president for creatives and operations of TAPE, matagal na niya gustong gumawa ng segment sa Eat Bulaga na magpapakita sa talento ng Pinoy sa musika bukod sa pagkanta.

BLASTER SILONGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with