^

PSN Showbiz

Chavit nagwaldas ng mahigit $15-M

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Last Sunday afternoon ay muli naming nakapanayam sa pamamagitan ng phone patch interview ang dating Vigan governor na si G. Chavit Singson sa aming radio program ni Shalala sa DZRJ, ang Inside Showbiz para makahingi ng update sa nalalapit na Miss Universe 2016. Gaganapin sa SM MOA Arena sa darating na January 30 (Lunes) ang coronation night mula alas-8 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga na mapapanood in almost 200 countries all over the world.

Si G. Chavit ang nakakuha ng 65th Miss Universe franchise na sa ikatlong pagkakataon gaganapin sa Pilipinas – una nung 1974 at pangalawa noong 1994 kung saan nanalo ang kinatawan ng Miss India na si Sushmita Sen at ang 1993 Miss Universe na si Dayanara Torres ang nagputong sa kanya ng korona.

Sina Dayanara at Sushmita ay parehong dadalo sa darating na Miss Universe with Sushmita sitting bilang isa sa mga hurado.

This week naman darating ang host na si Steve Harvey in pre­paration for his hosting sa Miss Universe.  Magiging host naman ang 2010 Miss Universe 4th runner-up na si Venus Raj sa paghu-host sa red carpet activities kasama ang Fil-Hawaiian social media personality na si Bretman Rock. Darating din ang 2015 2nd runner-up ng Miss Universe na si Olivia Jordan (Miss USA) pero hindi pa klaro kung ano ang kanyang magiging participation along with Dayanara Torres na nakatakdang magbalik-showbiz sa Pilipinas.

Inamin ni G. Chavit na hindi niya mababawi ang ginastos na mahigit $15-M pero ang makikinabang naman daw nito ay ang Pilipinas laluna ang ating ekonomiya at turismo.

Pagkatapos ng coronation day on January 30 ay magbabakasyon daw muna si G. Chavit para makapagpahinga.

Mag-iinang Sylvia, Arjo, at Ria maraming ipinagpapasalamat

Nag-host ng thanksgiving dinner ang mag-iinang Sylvia Sanchez at mga anak na sina Arjo at Ria Atayde last Sunday afternoon na gina­nap sa Dencio’s in Tomas Morato, Quezon City na dinaluhan ng ilang select entertainment friends.

Ayon kay Sylvia, long overdue na umano ito pero hindi lamang daw magtama ang kanilang mga schedule hanggang magdesis­yon silang gawin ito sa araw ng Linggo which is actually their family day at kaisa-isang araw na buo ang kanilang pamilya.

Ang mister ni Sylvia na si Art Atayde ay busy sa kanyang negosyo habang ang iba pa nilang mga anak ay abala sa school. Sina Arjo at Ria naman ay parehong busy sa kanilang res­pective showbiz career.

Nagpapasalamat si Sylvia sa patuloy na magagandang biyaya na dumarating sa kanyang pamilya ganun din sa kanyang mga anak lalo na sina Arjo at Ria.

Kung kelan 45 naman na si Sylvia ay saka siya pinagkatiwalaan ng lead role sa panghapong teleserye na The Greatest Love na isang top-rating program. Co-actor naman si Arjo ni Coco Martin sa top-rating and long-running TV series na FPJ’s Ang Probin­syano habang si Ria ay kasama sa kasisimulang primetime TV series ng Dos, ang My Dear Heart.

Ang maganda kay Ria, tinapos muna niya ang kanyang pag-aaral sa De La Salle University ng Communication Arts in 2014 bago siya nag-showbiz. Nagtungo rin siya ng Spain para mag-aral ng Spa­nish dahil of Spa­nish descent ang kanilang dad na si Art Atayde.

vuukle comment

CHAVIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with