^

PSN Showbiz

Rocco nahanap ang tunay na ina

SPORTING CHANCE - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ngayong Sabado (January 7), tunghayan ang kuwento ng mag-inang Liza at Jayson. Isang mag-inang nagkawalay ng matagal na panahon nang dahil sa isang kaibigang na­kialam na magdesisyon para sa kanilang buhay. Iti­natampok dito sina Ms. Jaclyn Jose, Rocco Nacino, Angeli Bayani, Ynez Veneracion, Gigi Locsin, Rosemarie Sarita, Ermie Concepcion, Beatriz Imperial, Suzanne Ison, at Liezel Lopez. 

Sa edad na 18 ipinanganak ni Liza ang batang si Jeffrey (Jayson). Hindi siya pinanagutan ng ama ng bata kung kaya’t mag-isa niyang hinarap ang pagbuhay sa anak. Namamasukan siya noon sa isang pagawaan ng furniture at sa tuwing nasa trabaho siya ay iniiwan at pinaaalagaan ang anak sa kaibigang si Sabel. Kinumbinsi si Liza ng kaibigang si Sabel na mamasukan sa Batangas at iwan na lang sa kanya ang anak.

Pero laking gulat na lamang ni Liza na ang napasukan pala ay isang kabaret. Kaya’t nang makakuha ng pagkakataon ay tumakas siya at bumalik ng Maynila para balikan si Sabel. Ngunit laking gulat niya na wala na ang dalawa. Umuwi na raw ito sa Tarlac dala-dala ang kanyang anak.

Si Jayson (Jeffey) ay lumaki namang nabu-bully dahil obvious sa ibang tao na ampon siya. Mula sa Friendster, Facebook at iba pang social media site ay tsina-chat niya ang sinumang kaapelyido ng kanyang tunay na ina. Hanggang sa isang araw ay may nag-message sa kanya at sinasabing tiyahin niya si Liza Nochepo. Nabuhayan ng loob si Jayson. Hinanap at ini-add sa Facebook ang anak ni Luisa. Nang makausap ang tunay na ina ay walang nagawa si Jayson kundi ang umiyak ng umiyak sa kabilang linya. 

Mula sa direksyon ni Neal del Rosario, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.

vuukle comment

ANGELI BAYANI

JACLYN JOSE

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with