^

PSN Showbiz

Aktor confirmed na may halong berde ang dugo kaya ‘di magkagusto sa ka-loveteam!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang malaking umpukan ng mga taga-showbiz nu’ng nakalipas na taon ay napagtripan ng grupo ang paghahandog ng kanta na swak na swak sa kapalaran at buhay ng mga sikat na artista.

Kani-kanyang hirit ang mga nasa umpukan, pakanta-kanta pa nga sila, para marinig ng lahat kung ano ang sinasabi sa kantang ihinahandog nila para sa mga sikat na personalidad.

Hirit ng isang beki, “Ang kantang ito, e, ihinahandog ko para sa isang kilalang loveteam. Ang song, e, para sa male personality. Kahit kasi anong pagsasabong ang gawin sa kanila ng girl, e, parang wala naman siyang panahon at pagkagusto sa ka-loveteam niya!

“Kaya para sa male personality, ibinibigay ko sa kanya ang song na ‘Di Bale Na Lang! ‘Yun kasi ang napi-feel niya para sa girl!” madiing sabi ng miron.

Pinagtripan naman ng isang beki ang madalas na isyung ikinukulapol sa isang hunk actor. Marami kasing naniniwala na meron siyang bahid. Berde ang kanyang dugo.

Sabi ng beki, “Simpleng song lang ang ihahandog ko sa kanya, pero magpapalit ako ng word sa title, ha? Isang word lang. This Guy Has Turned Into A Woman!”

Maraming nag-aagawan sa paghahandog ng song para sa isang pamosong female personality, pero mas makulit at mas mabilis ang isang miron, kaya ito na ang bumangka sa dedication program.

“Dalawa! Two songs ang ibibigay ko para sa kanya, kasi nga, bagay na bagay talaga sa kanya ang dalawang songs, e! Para sa kanya lang talaga ‘yun, very exclusive, walang puwedeng makisawsaw!

“Dahil sa mga nangyayari sa buhay at career niya na kumikilos naman siya, why not, coconut, pero ang dami-dami niyang dapat panghihinayangan sa nakaraan niyang career, e, two songs ang nababagay sa kanya.

“Una, ‘Di Na Natuto. Paulit-ulit na lang kasi ang mga pinaggagagawa niyang hindi naman nakabubuti sa buhay niya, ‘di ba? Sana, magising na siya sa katotohanan habang may panahon pa.

“At ang second song ko para sa kanya, Kung Maibabalik Ko Lang. Sangkatutak kasi ang sinayang niyang oportunidad. Nasa mga kamay na niya ‘yun, e! Humulagpos pa! At ihahabol ko pa nga pala ang isang song, Sayang Na Sayang.

“Akalain mo ‘yun? Ngangang-nganga siya ngayon? Parang hindi kapani-paniwala!” nakataas pa ang kilay na komento ng beking miron.

Ubos!

Mang Kepweng ni Vhong huhusgahan na!

Bukas na huhusgahan ang pelikulang pinagbibidahan ng birthday boy na si Vhong Navarro. Kasabay ng selebrasyon ng kaarawan bukas ng magaling na dancer-actor-TV host ang unang araw ng pagpapalabas ng buwena-manong handog na pelikulang Pinoy ngayong 2017—ang Mang Kepweng Returns.

Tanging ang suporta ng ating mga kababayan sa pagbabalik-pelikula niya ang hiling na regalo ni Vhong sa kanyang birthday. Sana raw ay maglaan ng panahon ang manonood para magpuntahan sa mga sinehang pinagpapalabasan ng Mang Kepweng Returns.

At hindi naman siya mapapahiya, matindi ang pinakawalang puhunan ng Cineko Productions sa kanyang pelikula, idagdag pa na talagang kinarir ni Direk GB Sampedro ang kabuuan ng proyekto.

Comedy ang Mang Kepweng Returns, pansamantalang gamot sa kalungkutan, sa mga special effects pa lang ng pelikula ng henyong albularyo ay panalung-panalo na ang ating mga kababayan. Ginastusan talaga ng Cineko Productions ang pelikula.

“Excited ako na parang ewan!” komento ni Vhong Navarro. Ganu’n naman talaga ang nararamdaman ng mga bumibida kapag malapit nang ipalabas ang kanilang pelikula.

Magkakaroon ng special birthday celebration bukas sa It’s Showtime ang anak ni Mang Kepweng, hihingin niyang regalo sa kanyang kaarawan ang pagsuporta sa kanyang pelikula, pati na ang hustisyang matagal na niyang hinihintay dahil sa nangyari sa kanya tatlong taon na ang nakararaan.

Mang Kepweng Returns! Bukas na!

vuukle comment

MANG KEPWENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with