^

PSN Showbiz

Laarni tanggap na tanggap ang anak ni Andi

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Laarni tanggap na tanggap ang anak ni Andi
Laarni Enriquez at Jake Ejercito

Kamakailan ay pumutok ang balitang si Jake Ejercito diumano ang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie. Ikinatuwa naman ito ni Albie Casiño na siyang itinuturong ama ng bata sa loob ng ilang taon.

Nagbigay ng reaksyon ang ina ni Jake na si Laarni Enriquez tungkol sa isyu. Anak ng dating aktres si Jake sa dating Pangulo ng bansa at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada. “Ang importante kasi riyan, kung ano ang sasabihin ng nanay. Ako, naghihintay lang ako and I’m open, I can accept. Ang importante kasi para ‘yang magnobyo na secret. Ang kailangan umamin ‘yung lalaki hindi ba? Siguro let’s just wait for Andi. I think nagbigay na siya ng statement and nandoon na naman lahat sa statement niya,” pahayag ni Laarni.

Tanggap na tanggap daw ng ina ni Jake si Ellie lalo pa’t talagang mahilig at mapagmahal sila sa mga bata. “Napakaraming bata na minamahal namin na hindi sa amin. What more kung sa amin? Siyempre tatanggapin namin, mamahalin namin at ipagmamalaki namin siya,” pagbabahagi ni Laarni.

Naniniwala ang dating aktres na kaya nang harapin nina Andi at Jake kung ano man ang kanilang pinagdadaanan sa ngayon. “Marami pang proseso na paghahandaan but they know what to do. Matatanda na sila,” pagtatapos ni Laarni.

Luis gustong gawing pribado ang relasyon nila ni Jessy

Sa Star Magic Ball noong Sabado ay unang nakitang magkasama ng publiko sina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Ilang buwan na ring nauugnay ang dalawa pero ano na nga ba ang estado ng kanilang relasyon ngayon? “Let our smiles speak for ourselves, ‘yung interview niya (Jessy) with Tito Boy sa Tonight with Boy Abunda and my interview, and our interview, I think it leaves a smile on our faces and for me that’s a very important thing. It’s perfect, we’re jolly, we’re ecstatic about everything that we have right now,” makahulugang pahayag ni Luis.

Nabanggit noon ni Jessy sa aming programa na mas pipiliin niya ang aktor upang kanyang pakasalan. “That’s the reason why everything falls into place and beyond the right path that’s supposed to lead us,” nakangiting pahayag ni Luis.

Mas gusto raw ng binata na gawing pribado na lamang kung ano man ang espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa ni Jessy ngayon. “We think so, kumbaga kahit showbiz na nga kami, parang kahit hindi na natin i-showbiz pa talaga. Showbiz man kami, hindi pa din kami sa showbiz,” giit ng aktor.

 

vuukle comment

LAARNI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with