^

PSN Showbiz

Rosanna nagbura ng mga ebidensya! Dating actress na si Dinah Dominguez, namatay sa atake sa puso!

ARANGKADA - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Noong October 14 ang 70th birthday ni Joey de Leon.

Kasama ang kanyang asawa at mga anak, nag-celebrate si Joey ng kaarawan niya sa Macau, China.

SCENE: Sinorpresa si Joey de Leon nina Senator Tito Sotto, Vic Sotto, Eat Bulaga producer Tony Tuviera at ng kanilang mga asawa  na lumipad sa Macau noong Biyernes para sa kanyang 70th birthday.

SCENE: Kilig na kilig si Christine Bersola sa pamamanhikan kahapon ni Alden Richards kay Maine Mendoza sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Self-proclaimed ninang at numero unong fan ng AlDub si Christine na nagsabi na nakahanda na ang gown na gagamitin niya sa “kasal” nina Maine at Alden.

SEEN: Binura ni Rosanna Roces ang kanyang Facebook post tungkol sa pagdadala niya ng mga babae para sa mga Chinese drug lord na nakakulong sa New Bilibid Prisons.

SCENE: Magpapatawag bukas ng presscon ang Department of Tourism at topic ang pagdaraos ng Miss Universe 2016 sa Pilipinas sa January 30, 2017.

SEEN: Negative ang resulta ng drug test kay Rafael Rosell na health buff at advocate ng paggamit ng  medical marijuana ng mga tao na may malubhang karamdaman.

SCENE: Heart attack ang ikinamatay ng former actress na si Dinah Dominguez na nakilala noon sa showbiz bilang Piranha Queen. Si Dinah ang ina ng former singer-actress na si Champagne Morales. Pumanaw si Dinah sa edad na 54. May ibang nagsasabi na aneurysm ang ikinamatay nito.

vuukle comment

ROSANNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with