^

PSN Showbiz

Barbie hinahanapan ng lalaki!, Nadine may kasalanan sa nangyari sa anak

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Kung biktima man ng identity theft ang bagong silang na anak ni Nadine Samonte, siya ang dapat sisihin dahil naging masipag siya sa paglalagay sa social media ng mga litrato ng bata. Ang mga magulang ang unang dapat magbigay ng proteksyon sa kanilang mga anak.

SCENE: Isyu kay Lolit Solis ang poster ng The Escort dahil wala ang litrato ng kanyang talent na si Christopher de Leon. Importante ang role ni Christopher sa The Escort dahil katulad ito ng karakter ni Richard Gere sa Indecent Proposal.

SEEN: Dapat panoorin ni Jim Paredes ang video ni Arnell Ignacio at ang mga komento nito tungkol sa kanyang walang katapusan na pagbatikos kay President Rodrigo Duterte.

SCENE: Inihahanda na ng GMA-7 ang bagong teleserye na pagbibidahan ni Barbie Forteza. Naghahanap sila ng aktor na babagay na maging leading man ni Barbie.

SEEN: Ang taping kahapon ng mga eksena ni JC Santos para sa Till I Met You ng ABS-CBN sa kanto ng Roces Avenue at Mother Ignacia Avenue na lumikha ng mild traffic situation.

SCENE: Pumirma kahapon ng kontrata sa Viva Artists Agency si Kiana Valenciano, ang anak na bunso ni Gary Valenciano.

SEEN: Ang kuwento na nakita at nadaanan ng anak ni Aurora Moynihan ang bangkay ng isang babae na nakahandusay sa kalye ngunit wala siyang kamalay-malay na ang kanyang ina ang biktima. Si Aurora ang pinaslang na kapatid ng aktres na si Maritoni Fernandez noong nakaraang buwan.

SCENE: Ipinagdiwang kahapon ng direktor na si Jun Lana at ng kanyang partner na si Perci Intalan ang third anniversary ng kanilang same-sex union sa New York noong October 14, 2013. Project nina Jun at Perci para sa Viva Films ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend? na inspired ang kuwento mula sa kanilang mga personal na karanasan.

vuukle comment

NADINE SAMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with