^

PSN Showbiz

Aaron walang napala sa panliligaw kay Yen

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi rin pala nag-prosper ang panililgaw na ginawa ni Aaron Villaflor sa kanyang co-star sa katatapos na series, All of Me na si Yen Santos.

Natapos at natapos ang series, na kumbaga ay ‘nganga’ si Aaron.

Which, of course, according to Aaron ay masakit isipin, since tapat nga raw ang iniaalay niyang pag-ibig kay Yen.

Ganumpaman, hindi idini-deny ni Aaron na malaki ang nagawa sa kanyang showbiz career ng kanyang stint as a kontrabida. Napatunayang mahusay din siyang umarte, kahit na in his early days in showbiz at mas nakilala siya bilang dancer.

Heto at balitang may naghihintay nang bagong assignment kay Aaron.

A co-starring role in the movie, Gregorio del Pilar, where, we heard will have Paulo Avelino playing the title role.

Natapos ni Nadine kinukuwestiyon

Speaking of Paulo, agaw pansin ang role niya bilang executive of a top advertising firm in the top series On The Wings of Love, which had for its lead stars, James Reid and Nadine Lustre.

Bagay na bagay sa kanya ang role, lalo’t naka-formal attire siya at nakikipag-meeting with his staff for an advertising campaign.

Bagama’t bihirang ngumiti sa mga eksena niya sa series, guwapo ang dating ni Paulo lalo nga’t he is tall and appears to have slimed down a lot, compared to when he was with Jericho Rosales and Maja Salvador in Bridges of Love.

Tanong nga pala ng isang advertising graduate, ano nga raw ba ang kursong natapos ni Lea (Nadine), para ituring siyang talented and effective creative director ni Simon (Paolo)?

‘Di nga naman ito masyadong nabigyan ng pansin sa kuwento. Although nakapag-abroad si Lea, kung anu-anong job lang ang napasukan niya sa Amerika, since isa nga siyang TNT (tago nang tago).

And how come nga naman, she is nat as fashionable as most advertising lady executive in real life?

Hoy, nagtatanong lang, ha.

Jake magpapahinga muna, napagod sa Pasion...

In two or three weeks, right after the finale of his current series, Pasion de Amor, Jake Cuenca said he might leave for a much needed rest.

Na-exhaust daw masyado si Jake sa role na kanyang ginampanan sa soap, lalo pa nga at sa tatlong bidang lalaki sa Pasion…, kanya nga naman ang, kumbaga “pinakamabigat” na role.

The two other leading men, na gumaganap na younger siblings ni Jake, ay sina Ejay Falcon at Joseph Marco.

Their leading ladies in Pasion…, who played sisters naman ay sina Arci Muñoz, Ellen Adarna, at Coleen Garcia.

Also starring are Pen Medina, Teresa Loyzaga, and Wendell Ramos.

Featured in a special appearance was Pilar Pilapil, plus Michelle Madrigal.

As of this writing, wala pang bagong offer na project si Jake. Which doesn’t bother him, he said. As ‘di naman daw siya pinababayaan ng ABS CBN.

Now 28 years old, malayo pa raw sa plano ni Jake ang pag-aasawa. Bagama’t he can afford na bumuhay ng isang pamilya.

Right now, Jake is going steady with someone not in showbiz, Sara Grace Kelley.

 

vuukle comment

AARON VILLAFLOR

ACIRC

ALL OF ME

ANG

ARCI MU

BAGAMA

BRIDGES OF LOVE

COLEEN GARCIA

NBSP

NGA

PASION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with