^

PSN Showbiz

Dahil sa suspension ng klase, Kris at Herbert nagkaayos na naman!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Parang hindi nasunod ang schedule this week ni Kris Aquino dahil may sakit ito at walang boses. Based sa posts niya sa Ins­tagram (IG), nasa bahay lang siya at nagpapaga­ling at hinihintay bumalik ang boses. Dapat kasi, pupunta siya sa Baguio last Wednesday para sa taping ng KrisTV.

Dadaan pa da­pat si Kris at ang staff at crew ng KrisTV sa Tarlac at Pampanga, pero hindi na nasunod. Abangan natin kung makakapag-promote siya ng All You Need Is Pag-ibig sa It’s Showtime bukas at ASAP sa Sunday. Plus may mall shows pa siya para pa rin sa promo ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry.

Sabagay, pinu-promote ni Kris ang movie sa TV show niya at sa kanyang IG. Marami ang naiintriga sa kanyang post tungkol sa love advices.

Anyway, may BI si Kris kay Quezon City Mayor Herbert Bautista sa IG at katuwa ang pagkakasulat niya. Si HB yata ang tinukoy nitong nagpadala sa kanya ng comfort food, pero hindi na pinangalanan dahil sabi ni Kris, “ma-i-stress lang ako , sya, and others...” Ang tinutukoy na “others” ay ang followers niya na ayaw si HB para sa kanya at wagas kung mag-react.

Dagdag pa ni Kris, “Anyway, answered prayer na that it’s peaceful between us. (Bimb was the bridge, dala ng pangungulit nya last night kung suspended ang classes today,, I told him to text the person who could best answer. He replied naman right away. And dahil no classes, in Bimb’s text may all caps na THANK YOU w/ matching Love, Bimb-pakialamera lang, I checked the text.”

But as usual, may mga nag-react pa rin sa BI ni Kris, mas lalo na siguro kung binanggit nito ang name ni QC Mayor Herbert. Pero may nakakaintindi rin naman na puwedeng maging friends sina Kris at Herbert.

Rafael naghahanda para sa Encantadia?!

Kabilang si Rafael Rosell sa gustong mag-audition sa sequel ng Encantadia at sinabi niya sa manager niyang si Popoy Caritativo ang tungkol dito. Kahit ano’ng role raw ang ibigay sa kanya kung makakapasa sa audition, basta gusto niyang makasama sa cast ng fantaserye.

Nabanggit ni direk Mark Reyes na kailangan may alam sa martial arts ang mag-o-audition at swak dito si Rafael. Regular itong nagdyi-gym, nagpa-parkour pa at super fit dahil sa pagiging vegetarian.

Maganda nga naman kung pagkatapos ng role niya sa Because Of You na naging runaway groom at iniwan ang fiancée sa harap ng altar, mapanood siya sa Encantadia na marami na ang naghihintay.

Marlo todo emote!

Parang hindi maganda na ang pagkalungkot ni Marlo Mortel ang lumalabas sa promo ng Haunted Mansion, ang MMFF entry ng Regal Entertainment. Nagiging ne­gative ang dating ng promo dahil last team-up na raw nila ito ni Janella Salvador dahil sa bagong teleserye ng aktres sa ABS-CBN, si Elmo Magalona na ang kapareha niya.

Sabi naman ni Marlo sa presscon ng Haunted Mansion, naniniwala pa rin siya na ibabalik din ng ABS-CBN ang love team nila ni Janella kung may right project. Marami nga namang fans sila ni Janella at hindi papayag ang network na forever na silang malungkot dahil pinaghiwalay ang Marnella love team.

Ang Haunted Mansion muna ang pag-usapan natin at ‘pag natuloy ang spe­­cial screening ng movie today, malalaman natin kung gaano ito nakakatakot. Tama kaya ang sabi ng ibang press people na parang mala-I Know What You Did Last Summer ang pelikula ni direk Jun Lana na isa lang ang naiwang buhay sa ending ng movie?

Direk Rich pinagpahinga na ng SPS

So, hindi nga si direk Rich Ilustre ang director ng Sunday PinaSaya last Sunday nang mag-guest si Maine Mendoza. Iniwasan lang ng APT Entertainment na magkagulo, pero maganda ang kinalabasan ng guesting na ‘yun ni Maine.

Nagkita sila ni Kris Bernal na minsang na-bash ng AlDub Nation fans nila ni Alden Richards at nakapag-usap sila ni Julie Anne San Jose.

Ang sabi, pinagpahinga muna si direk Rich sa SPS hanggang maipalabas ang My Bebe Love.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

BIMB

ENCANTADIA

HAUNTED MANSION

KRIS

LEFT

NBSP

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with