^

PSN Showbiz

Richard excited nang magpaka-busy sa TV5

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sandali naming nakakuwentuhan si Richard Gutierrez sa photography studio ni Edward La Cuesta in Quezon City a couple of days ago. Nagkaroon ng pictorial si Richard for his upcoming big project sa TV5 na gagamitin sa trade show ng mga bagong programa ng Kapatid Network sa taong 2016.

Hindi maikakaila na excited si Richard.

It’s been more than two years na walang pinagkakaabalahan si Richard na serye matapos mag-expire ang kanyang kontrata sa GMA in 2013.

“2016 is going to be a busy year for me,” panini­guro ni Richard.

Napag-alaman din naming na co-managed na si Richard ngayon ng Viva Artists Agency at ng kanyang mommy na si Annabelle Rama.

Daniel nagpapatayo na ng love nest nila ni Erich?!

Mukhang totohanin ng Brazilian model-turned actor na si Daniel Matsunaga ang kanyang pagiging Filipino citizen dahil gusto na niyang sa Pilipinas na mamirmihan maging ang kanyang pamilya na nasa Brazil. Kasama na rin dito ang plano niyang pagbuo ng sarili niyang pamilya.

Alam ng lahat na ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales ang kanyang nobya ngayon at gusto niyang makasama habambuhay.

May balita na nagpapagawa na uma­no si Daniel ng sarili niyang bahay at malamang na ito’y paghahanda na rin sa paglagay niya sa tahimik balang araw.

Wally marunong magtago ng problema

Sobra-sobra ring blessing ang dumarating ngayon sa singer-comedian-TV host na si Wally Bayola magmula nang kanyang gampanan ang well-loved character sa Kalyeserye ng Eat Bulaga na Lola Nidora.

Kung ang AlDub loveteam nina Alden Ri­chards at Maine “Yaya Dub” Mendoza ay pinag-aagawan ngayon bilang celebrity endorsers, hindi rin nagpapahuli si Lola Nidora na may mga pro­duct endorsements na rin at sunud-sunod ring mga pa­ra­ngal ang kanyang natatanggap na may kinalaman sa kanyang ginagampanang character on TV.

Ang hindi alam ng publiko, kung marami ang nai-entertain at napapatawa ni Lola Nidora sa Kal­­ye­serye ng Eat Bulaga, off-cam ay isa siyang typical at mapag-mahal na ama laluna sa kanyang may sakit na anak na labas-masok ng pagamutan.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RI

ANG

ANNABELLE RAMA

DANIEL MATSUNAGA

EAT BULAGA

EDWARD LA CUESTA

ERICH GONZALES

KANYANG

LOLA NIDORA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with