^

PSN Showbiz

Twitter account ni 'Yaya Dub' na-hack ng Anonymous Philippines

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Na-hack ng grupong Anonymous Philippines ang Twitter account ni “Kalyeserye” star Maine “Yaya Dub” Mendoza, Martes ng madaling araw.

Nakapag-post ng apat na tweets ang grupo sa account ni Maine na may link sa kanilang Facebook account.

“Sorry po if napadaan kami sa account ni yayadub, ibabalik din namin ‘to sa tunay na may-ari... Nagmamahal, Anonymous Philippines,” nakasaad sa isang tweet.

Isa ang Twitter account ni Maine sa may pinakamabilis na dumaming followers sa buong mundo. Nasa ikatlong puwesto siya kasunod ng international stars na sina Taylor Swift at Katy Perry.

Kilala ang Anonymous Philippines na grupo ng mga hackers na may nais ipadalang mensahe sa gobyerno.

Ilang website na ng gobyerno ang kanilang na-hack upang manawagan sa iba't ibang isyu ng bansa.

 

vuukle comment

ACIRC

ANONYMOUS

ANONYMOUS PHILIPPINES

BLOCKQUOTE

COM

HREF

HTTPS

MAINE MENDOZA

QUOT

SRC

TWITTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with