^

PSN Showbiz

Megan binagayan ng pagiging yaya!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Dahil na rin siguro sa social media kaya ang da­ming mga artistang nakiki-join sa Halloween party. At pabonggahan sila ng costume.

Si Anne Curtis ay nagpaka-miyembro ng Addams Family. Ang grupo nina Isabelle Daza at Georgina Wilson ay ang mga character sa music video ni Taylor Swift na Bad Blood ang peg. At sa Shanghai, China pa sila nag-party kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.

Ang magdyowang Bil­ly Crawford at Co­leen Gar­cia ay nagpaka-vampire naman sa Halloween party sa Hong Kong.

At si Marian Rivera ay naka-Snow White outfit na parang hindi buntis ang hitsura. Kaaliw. At bagay na bagay sa kanya. Aakalain mo talagang tumaba lang siya ha.

At si Megan Young, nagpaka-Yaya Dub. Yup, ang dating Miss World nagpaka-yaya alang-alang sa Halloween. “Happy Halloween! Saan na ‘yung fo­rever ko?”

Binagayan siya ha. Puwedeng pang-double kay Yaya Dub. Hahaha. Pang-double talaga.

Seriously, hawig nga sila. Matangkad lang ang bida ng Marimar kaysa sa sikat na yaya ng mga lola.

Anyway, noon ginagawa nilang ba­kas­yon ang Halloween pero ngayon nag-e-effort sila sa pagandahan na ng mga outfit.

Nadine sa Korea nag-birthday!

Sa Korea nag-celebrate ng birthday si Nadine Lustre last October 31. Kasama niya ang bestfriend na si Yassi Pressman. Naka-outfit sina Nadine and Yassi habang tinutuklas ang Korea kaya naman aliw ang followers niya sa Instagram na obviously ay pupunta rin ng Korea. Gusto raw nilang mag-outfit tulad ng kanilang mga idol.

Anyway, ang maganda lang kina Nadine at Yassi, walang inggit sa katawan ang huli. Kung iba lang siguro ‘yun, baka inis na inis na siya dahil naunahan na siya ni Nadine na ngayon ay bongga ang career. Samantalang sabay lang naman silang ipinakilala sa Diary ng Panget pero mas pumatok ang loveteam nina Nadine at James Reid. Though si Yassi with her loveteam Andre Paras ay may pelikulang ipalalabas, ang Wang Fam with Pokwang and Benjie Paras. Directed by Wenn Deramas, ang Wang Fam ay showing on November 18. At meron din naman silang launching movie, Girlfriend for Hire na opening salvo ng Viva Films.

JM may guardian angel na dot?!

Parang maayos naman si JM de Guzman at hindi totoo ang mga nasusulat at nababalitang may pagkakataong nagha-halucinate umano ito.

Sa kanyang Instagram account, sinasabi niyang naglilinis naman siya ng room at minsan ay nagti-train.

Siguro kasi may mga upload siyang ikinaloloka ng iba. Like ‘yung isang video post niya na dark area at may isang dot na maliwanag. Ang caption niya, “follow green dot.:) guardian angel?!...” At kasama sa hashtag niya ang #surreal

Wala na si JM sa All of Me at nakikiusap ang fans niya na sana ay bumalik na siya dahil sabi’y boring daw ang show ‘pag wala siya.

vuukle comment

ACIRC

ADDAMS FAMILY

ALL OF ME

ANDRE PARAS

ANG

BAD BLOOD

GEORGINA WILSON

MGA

NADINE

WANG FAM

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with