^

PSN Showbiz

Asawa ni Amy Perez inoobserbahan ng DSWD kung kayang ampunin ang kanyang panganay

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Tamang-tama ang nalalapit na debut ni Bea Binene sa November 3 na gaganapin sa Maynila ballroom ng Manila Hotel dahil makakatulong ito sa bagong reality-lifestyle show niyang Legally B na mapapanood tuwing Sabado ng 11:30 ng umaga sa GMA News TV.

Dito mapapanood ang kabuuan ng debut niya na may motif na Vintage glam.

Ang sabi ni Bea, papadalhan daw nila ng imbitasyon si Jake Vargas, pero may bumulong naman sa amin mula sa kampo ng Kapuso young actor na mukhang wala rin daw itong balak na dumalo.

PAK: Masaya si Amy Perez-Castillo na sa kanya ipinagkatiwala ng ATC Healthcare na i-endorse ang produkto nilang Strike Multi Insect Killer.

Hindi lang kasi si Amy ang nasa TV commercial kundi ang buong pamilya, kabilang ang asawa niyang si Carlo Castillo at ang anak niyang si Kyle.

Sa press launch nito kahapon ay naibahagi ni Amy na inaayos na raw ngayon ang legalities nang adoption ng panganay niyang anak na si Adi para maging Castillo na rin ang apelyido nito.

“Nasa process na, may pumunta na sa bahay na taga-DSWD inu-observe na kami. In-interview na si Adi, in-interview na rin si Carlo.

“Actually, mas mabigat ‘yun kay Carlo kasi siya talaga ‘yung tinitingnan at inu-obserbahan ng estado kung kaya niyang i-adopt si Adi. So, nandun na kami ngayon sa proseso na ‘yun,” masayang tsika ni Amy na umaasang maayos na nila ito sa tamang panahon.

BOOM: Deretso ang sagot ni Dennis Padilla na tingin daw niya dahil wala siyang pera kaya gustong palitan ang apelyido ng mga anak niya kay Marjorie Barretto.

Na-withdraw na nga ni Dennis ang Motion to Intervene na isinumite niya sa korte kaugnay sa Petition to Change Name na isinampa ni Julia Barretto.

Ang latest pala, ang isa pa niyang anak na si Claudia na nagsumite rin ng ganung petition ay dinismis na raw ng korte ayon sa aktor.

Kuwento ni Dennis; “May balita ako na dinismis na ng judge ang kaso ni Claudia. Ang hahabulin ko na lang makakuha ako ng kopya ng dismissal, para maipakita run sa eskuwelahan ni Claudia sa Everest International School na ibalik sa Baldivia ang apelyido ni Claudia.”

Sa ngayon ay todo-kayod si Dennis sa trabaho na mabuti na lang daw at may regular taping siya sa Deal or No Deal at Ang Probinsyano, at ang pelikulang Mario Labo na magsu-showing sa November 11.

vuukle comment

ACIRC

ADI

AMY PEREZ-CASTILLO

ANG

ANG PROBINSYANO

BEA BINENE

CARLO CASTILLO

CHANGE NAME

CLAUDIA

DENNIS PADILLA

EVEREST INTERNATIONAL SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with