^

PSN Showbiz

Jennylyn ang daming pundar na ari-arian!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung hindi pa sa pagsugod ni Kris Aquino sa bahay ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado para sa promosyon ng Regal movie niyang The PreNup, kapartner ng Kapamilyang si Sam Milby, ay baka hindi pa malalaman ng mga tagasubaybay ng pelikula na inabot na ng aktres ang kanyang tagumpay hindi lamang sa kanyang pag-aartista kundi maging sa kanyang kabuhayan. Bukod sa napakagara nitong bahay sa isang lugar sa Commonwealth kung saan ay naninirahan din sina Ma­yor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte, Kathryn Bernardo, at marami pang iba, meron din siyang property sa Tagaytay Highlands at sa Nuvali, Sta Rosa. Nakapagpundar na rin siya ng negosyong gym, isang franchise ng Bean Leaf Tea and Coffee at isang 3-storey commercial townhouse. Wala na siyang poproblemahin pa para sa kinabukasan ng kanyang nag-iisang anak. 

Sa rami ng nali-link kay Jenny­lyn ngayon kasama na ang dati niyang ex na si Dennis Trillo, wala pang inaaming bagong ka­relasyon ang aktres. Abala ito sa pagpapatatag ng kanyang kabuhayan at maging ng kanyang karera na patuloy sa pagganda sa ilalim ng GMA. May balita ngang may balak siyang lumipat ng network pero ito ay nananatiling intriga lamang dahil walang dahilan para iwan niya ang kumpanya na nakadiskubre at nagpasikat sa kanya via Starstruck. Alagang-alaga siya ng GMA at pinapayagan pang gumawa ng mga proyekto sa ibang kumpanya tulad ng Regal at pinayagan ding mafeature sa kalabang network, sa Kris TV, nang hindi na siya dadayo pa sa ABS-CBN. Ang network ang pumunta sa kanyang bahay.

Kris maraming pinaasa

Hindi naman pala na-shelve ang movie para sa MMFF (Metro Manila Film Festival) na hindi na gagawin ni Kris Aquino, ang All You Need is Pag-ibig. Pinalitan na sila ni Mayor Herbert Bautista nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. Baka makasama pa rin ang tandem nina Xian Lim at Kim Chiu sa movie dahil wala namang problema sa kanila.

Kung sakali, ang nag-iisang casualty sa pag-atras ni Kris ay si Mayor o baka pati rin si Derek Ramsay na biglaan niyang isinama.

Hindi lang ang dalawa marahil ang may hinanakit sa presidential sister dahil sa pabagu-bago niya ng isip kundi maraming ang mga tagasubaybay ng dalawang aktor na asang-asa na mapapanood sila sa Kapaskuhan. Tsk. Tsk. Tsk.

Paolo nagbuwis ng buhay para sa charity

Napaka-exciting ng naging grand finals ng Bulaga Pa More kung saan nanalo ng top award at halagang kalahating milyong piso si Paolo Ballesteros. Pero sa paborito niyang charity nga ba mapupunta ang P.5M na prize money? Sana naman ay meron din para sa kanya. After all, buwis buhay ang number na ginawa niya kung saan ay nagpasabit-sabit pa siya sa ere.

Kung tinalo si Paolo ni Ruby Rodriguez ay okay din sa akin. Kaaliw ‘yung pag-iitsa kay Ruby sa ere at pagsalo sa kanya ng mga kasamahan niyang nag-perform. Napakahirap ng nasabing numero kung iko-consider ang bigat at laki ni Ruby at ang liliit ng mga kabataang sumalo sa kanya.

Mas maganda naman ‘yung performance ni Patricia to qualify for the grand finals kaysa sa number niya nun mismong grand finals. No wonder na tinalo siya ni Paolo.

Obvious din na hindi na baguhan sa drums si Yaya Dub. Nagawa niyang paikutin ‘yung mga drumsticks sa mga daliri niya. Mas napaganda sana niya ito kung sa halip na piringan ang mga mata niya ay iniitsa niya ang drumsticks sa ere at saka sinasalo.

Tama rin lang na binigyan ng special award si Aleng Maliit o Ryzza Mae Dizon. Maganda ang number niya, pero hindi uubra sa mga pinaggagawa ng mga kalaban.

Enrique sinusuhulan ng trip to Paris Disneyland si Liza

Marami ang naniniwala na may pagkakaunawaan na sina Enrique Gil at Liza Seberano. Hindi naman daw gagastusan ng Kapamilya actor ng napakamahal na Parisian journey ito kung nagliligawan pa lamang sila. Paano nga naman kung after o baka during the trip ay sabihin kay Enrique ng dalaga na wala siyang aasahan at maging magkaibigan na lamang sila? 

Biyahe sa Paris Disneyland ang regalo ni Enrique para sa 18th birthday ng kanyang ka-loveteam. Ang laking halaga nito lalo’t hindi nag-iisa si Liza sa biyahe. Kasama rin nito ang isa pang kapatid at ina at isa pang kaibigan.

Pero baka naman bahagi lamang ito ng paghingi ng dispensa ng akor sa kanyang kapareha dahil sa malaking kasalanan niya sa napakakontrobersyal na isyu sa eroplano na kinasangkutan nila pareho?

Meryll at Lito nagpaiyak 

Ang galing at napaka-touching ng istorya na tinampukan nina Lito Pimentel at Meryll Soriano sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya tungkol sa isang naiibang kuwento ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang magkaibigan (babae at bakla).

Nalusutan ni babae ang pagseselos na naramdaman ng asawa niya at maging ng mga anak nila dahil sa kanilang closeness, pero sa huli ay nanaig ang kanilang pagtitinginan.

 

vuukle comment

ACIRC

ALENG MALIIT

ALL YOU NEED

ANG

ENRIQUE

HINDI

KUNG

MGA

NIYA

PARIS DISNEYLAND

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with