^

PSN Showbiz

Shaina kalma lang kahit tatlong taon nang single

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay ibinahagi ni Vina Morales sa publiko ang tungkol sa bago niyang kasintahan. Ayon sa aktres ay ngayon lamang ulit siya pumasok sa isang relasyon pagkatapos ng mahigit pitong taon. Masaya raw si Shaina Magdayao para sa kanyang kapatid dahil sa pagkakaroon nito ng bagong karelasyon.

Nakilala na rin ni Shaina ang foreigner boyfriend ng kapatid. “Before London, na-meet ko na siya. Una sa pictures lang, he seems nice and warm naman sa pamangkin ko (Ceanna, anak ni Vina). I think that’s good na nag-e-effort siya sa pamangkin ko. When I finally met him, mabait siya. Kahit na iba ang lahi niya, nagri-reach out siya hindi lang sa amin but also doon sa mga co-workers namin sa ASAP. He’s very friendly,” kwento ni Shaina.

“Na kay ate na ‘yung decision. We will always respect her. Plus points lang na he’s reaching out. He’s putting so much effort and nakikita mo na mabuti siyang tao. She deserves the best. She waited for him,” dagdag ng dalaga.

Marami ang nagtatanong ngayon kay Shaina kung kailan nito planong magkaroon ng kasintahan dahil sa pagkakaroon ng bagong karelasyon ni Vina. Matatandaang tatlong taon na ang nakalilipas nang nagkahiwalay ang aktres at si John Lloyd Cruz. “Dumating naman ‘yung kay ate so huwag kayong mag-alala, darating din ‘yung sa akin. Be patient. Ako, nasa three years pa lang ako, kalma. Hindi ko nga na-realize na three years na kasi kakatanong ng mga tao. Hindi ko naman namalayan dahil marami namang trabaho. Just like ate, kapag perfect time na, darating naman ‘yun. I believe in that that’s why I’m not in a rush at all,” paliwanag ni Shaina.

Ellen mas pinili ang non-showbiz guy kesa kay Ejay

Naging kontrobersyal ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Ellen Adarna at Paulo Avelino at pag-iwan diumano ng aktres kay Ejay Falcon sa ginanap na Star Magic Ball kamakailan. “Yes I was drunk basta hindi ako wasak na wasak. That’s not true. You can also ask Ejay, it’s not true,” bungad ni Ellen.

Nasaksihan ng marami ang paghahawak ng mga kamay nina Ellen at Paulo noong gabing iyon kaya nagkaroon ng mga espekulasyon na may ugnayan raw ang dalawa. “Yes, that’s true, I grabbed Paulo’s hands because masakit na ‘yung paa ko. Of course not, matagal na kaming friends ni Paulo and we are just really friends. I’m actually dating someone right now, he’s non-showbiz. For me, wala naman akong ginawang mali kasi wala naman akong sinaktang tao. I was there to have fun because it was a party,” paglilinaw ni Ellen.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEFORE LONDON

EJAY

EJAY FALCON

ELLEN ADARNA

JOHN LLOYD CRUZ

PAULO

PAULO AVELINO

SHAINA

SHAINA MAGDAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with