^

PSN Showbiz

Ejay nahirapan sa paggawa ng indie film

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakagawa na ng isang independent film si Ejay Falcon. Kasamang magbibida ng aktor sa pelikulang Homeless na mapapanood na simula August 26 sina Martin Del Rosario at Dimples Romana. Malaking karangalan daw para kay Ejay na maging bahagi ng isang makabuluhang proyekto. “Masarap gumawa ng ganitong klaseng pelikula. ‘Yung may purpose at nag-i-inspire ng mga tao na bumangon at ipagpatuloy ang buhay kahit pa marami silang problemang pinagdaanan. Proud ako na ang unang indie film na ginawa ko ay isang advocacy film,” nakangiting pahayag ni Ejay.

“Mahirap na masarap gumawa ng indie. Masarap kasi nagawa ko lahat and sa indie, napakatotoo nu’ng mga acting na binibigay talaga, mas may challenge,” dagdag pa ng aktor.

Nanibago raw ang binata sa paggawa ng bagong pelikula dahil naramdaman nitong maliit lang ang production budget kumpara sa mga nagawang pelikula noon.

Kahit nahirapan sa paggawa ng indie film ay sigurado naman daw ang aktor na muli siyang tatanggap ng ganitong uri ng proyekto kung may pagkakataon.

Wala na rin qualifications Shaina pagod nang maging single, naghahanap na ng magiging mister

Gusto na raw magpakasal ni Shaina Magdayao sa susunod niyang makakarelasyon. Ayon sa aktres ay napapanahon na upang lumagay siya sa tahimik. “Pagod na eh. I’ve been working since I was six so alam ko, siguro the next relationship I will be going to have, baka ‘yun na ‘yun. Hopefully ‘yun na ‘yun,” bungad ni Shaina.

Kung sakaling magpapakasal na ay hindi pa raw alam ng aktres sa ngayon kung iiwan na niya ang pag-aartista. “Kasi nabigay ko na lahat sa business na ‘to but I don’t want to be ungrateful. Kasi ever since hindi na tumitigil ‘yung trabaho ko. I think nga I believe this is really my destiny, as in fate, call, to be in this industry. Kasi I wasn’t really given a choice. Parang at a very young age binigay na ‘to sa akin,” paliwanag ni Shaina.

Anu-ano kayang mga katangian ang hinahanap ng dalaga sa susunod niyang magiging kasintahan? “I’m done with the ideals eh. Siguro I’ll know if he’s the right one for me, I just want someone siguro who’s decent. Maayos lang na tao and someone who will love my family, but other than that wala naman,” sagot ng aktres.  Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ACIRC

ANG

DIMPLES ROMANA

EJAY

EJAY FALCON

KASI

KASI I

MARTIN DEL ROSARIO

MASARAP

SHAINA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with