^

PSN Showbiz

May mga ebidensiya Dennis mas atat sa pagsasama nila ni Jennylyn

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sang-ayon kami sa sinasabi ng fans nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na mas masipag mag-post ng billboard ng My Faithful Husband sa Instagram (IG) ang aktor kaysa sa aktres dahil kitang-kita ang ebedensya ‘pag binisita ninyo ang IG nito.

Bukod sa billboard, nagpo-post din si Dennis ng publicity photos at ‘yung kasama sa press kit at may countdown din siya at paalala na sa August 10 na ang pilot ng drama series nila ni Jennylyn.

Nagpo-post din naman si Jennylyn, pero sa rami ng ipino-promote, from drama series to movies pati mga endorsement, natatalo siya ni Dennis. Lumalabas tuloy na mas excited si Dennis sa balik-tambalan nila ni Jennylyn na inaamin naman nito sa mga interview.

Bukod sa taping ng My Faithful Husband, may bago siyang gagawing pelikula sa Viva Films, kapalit ng hindi natuloy na episode nila ni Anne Curtis ng Lumayo Ka Nga Sa Akin. Nanghinayang si Dennis sa chance na makatrabaho si Anne na inalis din sa cast at pinalitan ni Cristine Reyes.

Mas masipag magtrabaho si Dennis ngayon dahil malapit nang matapos ang ipinagawang bahay sa may Antipolo City, Rizal. In fact, baka makalipat na ang pamilya nito this August at isa sa feature ng bahay ang home theater.

Ruffa hindi kayang isumpa si Annabelle!

Dumating si Annabelle Rama sa Cosmo Skin Beauty Soiree hosted by Niño Bautista and Red Gatus na Founder and Managing Directors ng Bargn Farmaceutici Phils. Co., (BFPC) kung saan si Ruffa Gutierrez ang Cosmo Skin beauty ambassador.

Kahit sinabi ni Anna­belle na kaya lang siya dumating dahil sa commission at nagpahaging sa love life ni Ruffa, mas pinaniniwalaan pa rin ng press na kaya siya nasa event ay dahil mahal niya ang anak. Lalo’t in-announce ni Jun Lalin na March pa lang, nakuha na niya ang kanyang commission.

Sa IG account nga ni Ruffa, nag-post ito ng picture nila ng ina at ang ginamit na caption ay “No matter what we go through, no matter how much we argue...I know that in the end she’ll always be there for me. I LOVE YOU MOM! Thanks for coming to my #cosmoskinbeautysoiree last night.”

Pinuri si Ruffa ng kanyang followers, mabuting anak daw siya at hindi nagtatanim ng galit sa nanay kahit ano ang sinasabi nito sa kanya kahit sa harap ng press. ‘Katawa ang comment na “Pagtiyagaan mo ang nanay mo nag-iisa lang ang ina,” ng isa sa kanyang followers.

Samantala, masaya sina Niño at Red dahil sa Best Whitening and Anti-Aging product ng Watsons Personal Care Stores dahil si Ruffa ang endorser ng mga produktong ‘yun.

Hindi rin nakalimutang mag-thank you ni Ruffa sa viewers ng It Takes Gutz to be A Gutierrez, na napapanood 9 p.m., every Monday sa E! Channel at dahil sa high ratings ay may negotiation na for an extension. Nag-promote rin siya ng Misterless Misis ng TV5 na mapapanood na simula bukas, 9 p.m.

Bago matapos ang event, pinasalamatan ni Ruffa at ng BFPC ang Raffles Hotel for good service and delicious food. Like namin ang different cakes.

Birthday nina Barbie at Derrick maraming nabukong mag-dyowa

May joint birthday celebration ang magkaibigang Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa isang res­­­taurant sa may Tomas Morato, Quezon City.

Mag­pa-partner ang bisita ng dalawa, siyempre si Der­rick, kasama ang girlfriend na si Issa Pressman na sister ni Yassi Pressman.

Si Kristoffer Martin, kasama ang non-showbiz GF na dahilan para mag-walkout ang ex-GF nito at leading lady sa Healing Hearts na si Joyce Ching sa taping ng Magpakailanman last week.

Present din sa joint birthday celebration si Bea Bi­nene na may kasamang non-showbiz guy na feeling ng aming source, kundi pa nito boyfriend ay manliligaw. Naka-move on na nga si Bea sa breakup nila ni Jake Vargas.

Present din sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia pati si Julian Trono kasama ang Viva talent na si Via Patricio na nililigawan daw nito. Dumating din sina Hiro Peralta at Ken Chan. Nasa party din si Louise delos Reyes, kasama ang nali-link sa kanyang si Champ Lui Pio.

Nasa party din si Andre Paras na dahil for couples ang party, inisip na baka sila na ni Barbie. Aba’y kung totoo ito, matutuwa ang fans nila na sumusubaybay din sa kanila sa The Half Sisters.

 Thea mas gusto ang second hand

Nakabili na pala ng sasakyan si Thea Tolentino at gamit na nito ang Montero. Slightly used daw ang sasakyan, pero ang kaigihan wala nang binabayarang monthly amortization si Thea.

Sa presscon ni Willie Revillame para sa show niyang Wowowin para ipaalam na 2 p.m.-3:15 p.m., every Sunday na ang time slot ng show, hindi natanong ito kung naibigay niya kay Thea ang ipinangakong P100-K para pang-downpayment sa sasakyan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAHIL

DIN

JENNYLYN

MY FAITHFUL HUSBAND

NBSP

NITO

RUFFA

STRONG

THEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with