^

PSN Showbiz

Dennis hindi na itinatago ang excitement na makapiling si Jennylyn

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Handa nang sumabak sa isang bago at challenging role ang Drama King na si Dennis Trillo para sa upcoming primetime series ng GMA, ang My Faithful Husband.

Gagampanan ni Dennis ang role ni Emman dela Paz, isang mabuti at mapagmahal na asawa ni Mel at tatay ng kanilang mga anak. Handa niyang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Ngunit makakaranas siya ng matinding sakit nang matuklasan niya na ang kanyang asawa ay hindi tapat sa kanya.

Ayon kay Dennis malayo ang karakter ni Emman sa mga dati niyang nagawa. “Siguro hindi ‘yung typical na lagi na lang porma, laging ayos. Dito medyo deglamourized siya ng konti kasi yung character ni Emman, mababa lang pinag-aralan niya. Hindi siya mayaman. Hindi siya maporma. Galing siya sa simpleng pamilya. Simpleng tao lang siya.”

Dagdag pa niya, natutuwa siya dahil isa na namang challenging role ang gagawin niya. “Nakakatuwa na pinagkakatiwala ‘yung mga ganitong roles sa akin, na this time ako naman yung faithful. Sa Temptation of Wife, ako ang nangangaliwa. Sa My Husband’s Lover, ako ‘yung kabit. Ito ‘yung hindi ko pa siguro nagagawa, so binigay nila sa akin. Kaya natutuwa naman ako na nagagawa ko ‘yung mga iba’t ibang klaseng roles.”

Makakapareha niya ang Kapuso leading lady na si Jennylyn Mercado bilang Mel, ang asawa ni Emman. Mula sa una nilang pagsasama sa drama series na Gumapang ka sa Lusak, tiyak na marami ang mag-aabang sa kanilang pagbabalik-tambalan. Balitang nagkabalikan na sila kaya malakas na ang kanilang chemistry.

“Siyempre excited ako na makatrabaho si Jen. Last time ko siya nakatrabaho five years ago, dramarama sa hapon ‘yung ginawa namin. Ngayon naman sa primetime. At hindi ito yung pangkaraniwang love story, love triangle. This time makikita naman nila dito na hindi yung lalake yung nangangaliwa. Instead, babae yung nagkaroon ng affair sa ibang lalake kahit kasal na siya. Pero yung plot ng kwento, hindi siya yung typical na plot ng mag-asawa na may kabit. Magsisimula siya medyo magaan, then pabigat nang pabigat.”

Si Bb. Joyce Bernal ang direktor ng naturang serye at masaya at excited din si Dennis dahil ito ang unang pagkakataon na makakatrabaho niya ang mahusay na director.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DENNIS TRILLO

DRAMA KING

EMMAN

HANDA

HINDI

JENNYLYN MERCADO

JOYCE BERNAL

SIYA

YUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with