^

PSN Showbiz

JM kumpirmadong nakabangon na

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Matagumpay sa pagbabalik si JM de Guzman. Matagal-tagal na rin siya sa showbiz pero na-distract ang career niya nang ma-in love.

 Unknown to many, si JM ay naging kapanabayan noon nina Sarah Geronimo, Shaina Magdayao, at Denise Laurel sa Ang TV 2 ng ABS-CBN pero napansin naman ang kanyang husay sa pag-arte nang magsimula siyang gumawa ng indie films na kanyang sinimulan in 2009 nang siya’y mag-audition sa pelikulang Last Supper Number 3.

Dito siya namataan at napansin ng isa sa mga business unit head ng ABS-CBN na si Direk Laurenti Dyogi who asked JM to audition for Midnight Phantom na pinagbidahan ni Rafael Rosell with Charee Pineda. ‘Yun din ang naging daan para gawing pareha sina JM at Charee sa matagumpay na Angelito: Ang Batang Ama na tumakbo sa ere noong November 11 to Apri 2012 at nagkaroon ito ng Book 2 na Angelito: Ang Bagong Yugto at tumakbo noong July 2012 hanggang December 2012.

Dahil sa ipinakitang box-office success ng indie movie na That Thing Called Tadhana nina JM at Angelica Panganiban, hindi kami magtataka kung mabibigyan ng sunud-sunod na projects si JM ng Star Cinema at ABS-CBN kung saan nakakontrata ang 26-year-old singer-actor.

Mga magulang ni Heart matindi ang ‘galit’

 Muling inisnab ng mga magulang ni Heart Evangelista na sina G. Reynaldo at Gng. Cecilia Ongpauco ang big wedding reception ng kanilang bunsong anak kay Sen. Chiz  Escudero na ginanap sa Blue Leaf Filipinas in Parañaque last February 18. Dinaluhan ito ng mga kaibigan ng bagong couple na hindi imbitado sa kanilang very private Balesin Island wedding last February 15.

Gaano man kasa­ya si Heart sa araw ng kanyang kasal, kulang pa rin ito dahil sa hindi pagsipot ng dalawang mahalagang tao sa buhay niya.

Marami rin ang nagtatanong at nagtataka kung paano natikis ng parents ni Heart ang pinakamahalagang okasyon sa buhay ng kanilang bunsong anak. Ano nga kayang ‘galit’ meron ang mag-asawang Ongpauco at hindi nila kinayang dumalo sa kasalan?

Samantala, may third wedding reception na magaganap sa hometown ni Sen. Chiz sa Sorsogon sa araw na ito para mabigyan naman ng chance ang  mga relatives and friends at mga kababayan ng senador na makasama ang bagong kasal.

Coco at Julia sa PTV4 pa unang nagkakilala

Marami ang naniniwala na may special spot sa puso ni Coco Martin ang kanyang kapareha sa Walang Hanggan at Ikaw Lamang na si Julia Montes kaya niya ito ni-request na muling makapareha sa Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasures.

Actually, hindi pa gaanong sikat noon sina Coco at Julia ay nagkatrabaho na sila sa isang episode ng lingguhang serye ng PTV4 kaya noon pa lamang ay magkakilala na ang dalawa. Natuwa ang dalawa nang sila ang maging magkapareha sa hit TV drama series na Walang Hanggan at muling naulit sa Ikaw Lamang.  Nagkatambal din ang dalawa sa isang movie na A Moment in Time in 2013. Si Coco rin ang naging special escort ni Julia when she turned 18 in March of 2013.

 Thirty-three na si Coco at magtu-twenty naman si Julia on March 19.

vuukle comment

A MOMENT

ANG BAGONG YUGTO

ANG BATANG AMA

ANGELICA PANGANIBAN

BALESIN ISLAND

IKAW LAMANG

JULIA

WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with