^

PSN Showbiz

Unedited version mas malala MTRCB naalarma sa balahuraan nina Vice, Angelica at John

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Masayang-masaya si Lovi Poe na nag-celebrate ng kanyang 26th birthday sa Cable Car The Fort  kamakalawa ng gabi.

Doon na rin ay ini-launch ang music video niyang Bigkas kung saan nakipag-collaborate ito sa singer/songwriter na si Brisom.

Tuwang-tuwa si Lovi dahil siya raw talaga ang pinili ni Brisom na makasama sa pagkanta dahil gustung-gusto niya ang kanta.

Gusto rin sana ni Lovi na mag-concentrate sa pagkanta ngayong taon. Sana raw makagawa siya ng album at makapag-concert ngayong 2015.

PAK: Kumalat sa social media ang unedited interview ni Vice Ganda kina Angelica Panganiban at John Prats na lumabas sa Gandang Gabi Vice nung nakaraang Linggo.

Siyempre, sanitized na ang napanood sa TV, pero ang unedited nito na umabot ng mahigit 30 minutes at talagang balahuraan na kung saan naging open sina Angelica at John kung gaano sila ka-close na magkaibigan.

Ikinuwento pa ni Angelica kung gaano sila ka-close na magkakasama sa Banana Split na kung saan ipinapakita raw nina Jason Gainza, at Ryan Bang ang kanilang ari kay Angelica.

Medyo nabahala ang ilang taga-MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) kung totoong napapanood na sa I Want TV itong unedited interview at posibleng napapanood ito ng mga kabataan.

BOOM: Lalong sinusubaybayan ngayon ang kuwento ng YouTube sensation na sina Jam Sebastian at Mich Liggayu na mas nakilalang Jamich.

Any moment ay puwede nang bumigay si Jam kaya tinututukan nila ito ngayon.

Pero nahahaluan ito ng intriga, dahil ang latest na nababalitaan namin, may gap daw ngayon si Mich sa pamilya ni Jam.

Nagtampo raw si Mich dahil nung nagbibilin na raw si Jam na i-mercy killing na siya ay hindi man lang daw siya ipinatawag.

Sana raw nandun siya para makasama ang kasintahan.

Gusto nga raw sana ni Mich na makasal sila pero parang nawawalan na ito ng pag-asa. Tingin daw niya ay mga 10 percent na lang ang chance na matuloy ang binabalak sana nilang pagpapakasal.

Abangan sa Startalk ang huling interview sa pamilya ni Jam at kay Mich. May hidwaan pa rin kaya sila?

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

BANANA SPLIT

BRISOM

CABLE CAR THE FORT

GANDANG GABI VICE

I WANT

JAM SEBASTIAN

JASON GAINZA

MICH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with