^

PSN Showbiz

Delubyo ni Hayden Kho, tapos na!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Dumaan din sa delubyo ang karera ni Dr. Hayden Kho bilang doctor nang matanggalan siya ng lisensiya sa pagka-doctor dahil sa sex scandal nila ni Katrina Halili. Nakalipas na ang limang taon at naibalik na kay Dr. Hayden ang kanyang lisensiya ng Professional Regulation Commission (PRC) kaya ganoon na lamang ang pasasalamat ng young doctor na may sariling TV show ngayon sa TV5 ang Healing Ga­ling along with Dra. Edinell Calvario at napapanood araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na ika-10 ng umaga.

Natutuwa si Doc Hayden na nagkabati na sina Dra. Vicki Belo at Katrina Halili and in time ay gusto rin niyang matuldukan na ang gap nila ng sexy star.

Si Katrina ang personal na bumati kay Dra. Vicki nang magkita sila sa loob ng simbahan sa kasal nina Marian Rivera at Dindong Dantes na ginanap sa Immaculate Conception Cathedral last December 30, 2014.

Dating celebrity endorser ng Belo si Katrina at naputol lamang ito dahil sa sex video scandal nina Katrina at Dr. Hayden Kho na siyang karelasyon noon ng kilalang celebrity doctor.

Bukas din si Katrina sa posibilidad na muli silang magkabati ni Doc Hayden Kho.

Iya at Drew naka-isang taong kasal na

Isang taon nang mag-asawa sina Iya Villania at Drew Arellano at tinatrabaho na nila ang magkaroon ng bagong karagdagan sa kanilang pamil­ya sa taong ito.

Sampung taon tumagal ang relasyon bilang magkasintahan nina Iya at Drew bago sila nagpa­kasal January of last year.

Sina Iya at Drew ay kapwa Kapuso ngayon matapos lumipat from Kapamilya Network si Iya noong nakaraang taon.

Daniel hindi na nababakante

Natutuwa ang PBB All In winner na si Daniel Matsunaga na siya’y kasama na sa hit teleserye na Two Wives na tinatampukan nina Erich Gonzales, Kaye Abad, at Jason Abalos.

Magmula nang manalo si Daniel sa PBB ay hindi na siya na­wawalan ng TV assignment sa Dos. Nagkaroon din ng se­cond wave ang kanyang career magmula nang siya’y sumali sa PBB at manalo.

vuukle comment

ALL IN

DANIEL MATSUNAGA

DINDONG DANTES

DOC HAYDEN

DOC HAYDEN KHO

DR. HAYDEN KHO

DRA

IYA

KATRINA HALILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with