^

PSN Showbiz

Marian hindi alam kung ano ang gagamiting wedding gown!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ang dami-daming bri­des to be ang nagkakas­ya na lamang sa mga RTW na wedding dress. Paano ba naman, lubhang napakamahal magpatahi ng wedding gown. ‘Yun ngang RTW ay libu-libo na ang halaga, paano pa kung made to order?

Pero si Marian Rivera ay walang ganitong problema. Katunayan ay nagpatahi na siya ng traje de boda sa Dubai based designer na si Michael Cinco, pero inalok pa rin siya ng may-ari ng isa sa paborito niyang company endorsement na Belo Medical Group. Isang wedding gown ang gustong iregalo sa kanya ng magiging ninang nila ni Dingdong Dantes sa kasal at very close friend din na si Dra. Vicki Belo. Pinoy din ang gustong patahiin ni Dra. Belo ng gown, si Monique Lhuillier na naka-base naman sa L.A. Cali., U.S.A.

BF ni Ruffa tinatawanan lang ang mga galit ni Annabelle Rama

Kakatuwa naman pala ang relasyon ng mag-inang Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama. Kahit magkagalit sila ay pumupunta pa rin si Ruffa sa okasyon ng kanyang pamilya. Tulad ng naging binyag ng pamangkin niya sa kanyang kapatid na si Elvis Gutierrez. At kasa-kasama pa niya ang boylet niya na si Jordan Mouyal na pinag-awayan nila nang husto ng kanyang ina. Ang maganda sa BF ni Ruffa ay wala itong insecurity sa pamil­ya Gutierrez. Hindi ito humihindi na samahan ang girlfriend niya maski na sa affair ng pamilya nito at walang takot na mababakas sa mukha nito. Smile lang siya nang smile at hello nang hello ayon kay Ruffa. Ganun siya ka-secure sa kanyang pagkatao.

Megan at Mikael lantaran na ang pagdi-date

Ngayong papalapit nang matapos ang reign ni Megan Young bilang Miss World wala nang dahilan para itago pa nila ni Mikael Daez ang kanilang relasyon. Pero hindi rin naman ibig sabihin ay gagawin na nilang lantaran ito. Kung kinakailangan na lumabas silang magkasama ay hindi na sila magtatago. Kaya naman marami na ang nakakakita sa kanilang magkasama sa maraming okasyon.

Sunshine sinundan si Ejay

Matapos ang makabagbag-damdaming episode na ginampanan ni Ejay Falcon sa Maalaala Mo Kaya noong Sabado ng gabi na nanguna sa ta­laan ng Most Watched TV Programs nu’ng araw na ‘yun, magpapatuloy ang MMK sa pagbabahagi ng inspirasyon sa mga manonood sa pamamagitan ng panibagong drama episode nito ngayong Sabado (Nobyembre 22) kung saan bibida si Sunshine Cruz.

Gaganap si Sunshine bilang si Cynthia, ang ma­pagmahal na asawa at ina na laging inuuna ang ka­­pakanan ng kanyang pamilya kaysa sa sarili niyang kaligayahan. Sa labis na pagpapahalaga sa kan­yang pamilya, hindi na iniinda ni Cynthia ang mise­rable niyang buhay sa piling ng mapang-abuso at seloso niyang asawa na mahigpit din sa kanyang mga anak.

Bahagi rin ng upcoming episode sina Gardo Ver­zosa, Sue Ramirez, Janus Del Prado, Nikki Valdez, Kristel Fulgar, Isabel Lopez, Joshua Dioni­sio, Alexa Macanan, Nathaniel Britt, Kyline Alcantara, Margareth Nico, Jacob Dionisio, Jeffrey Hidalgo, at Onse Tolentino.

vuukle comment

ALEXA MACANAN

ANNABELLE RAMA

BELO MEDICAL GROUP

DINGDONG DANTES

DRA

EJAY FALCON

ELVIS GUTIERREZ

RUFFA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with