^

PSN Showbiz

Finally Cristine inamin na ang pagbubuntis

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “Sa mga Kapamilya po natin, I want to share po sa inyong lahat that I have a wonderful blessing. I’m having a baby,” pag-amin kahapon ni Cristine Reyes sa ASAP 19.

Matagal-tagal na ring pinag-uusapan ang nasa­bing pagbubuntis ni Cristine pagkatapos niyang ideklarang ayaw na niyang magpa-sexy sa mga gagawin niyang pelikula at serye. Actually sa presscon ‘yun noon ng My Trophy Wife. Kaya bago pa man ang promo ng pelikula nila ni Anne Curtis na The Gifted sa dalawang presscon ng pelikula, parati siyang nawawala after the question and answer portion.

Kahapon after niyang kantahin ang Today My Life Begins (by Bruno Mars)  with Sam Milby, Jericho Rosales, and Piolo Pascual, kinumpirma na niya ang kanyang pagbubuntis. Pero in fairness, wala sa hitsura ni Cristine na buntis na siya.

Si Ali Khatibi na isang mixed martial arts expert ang sinasabing ama nang ipinagbubuntis ni Cristine. Bukod kasi sa kanyang pagbubuntis, wala nang ibang sinabi si Cristine tungkol sa nalalapit niyang pagiging ina.

Kamakailan lang ay nagpunta ng Japan sina Cristine at Ali.

Buntis din ang kapatid ni Cristine na si Ara Mina. Pero si Ara, parang malapit na yatang manganak. Hindi rin agad inamin ni Ara na preggy siya.

Nash haharapin na ang pagiging ama

Kahalagahan ng wastong paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak ang ibabahagi sa viewers ng Kapamilya teen stars na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad sa pamamagitan ng kanilang kauna-unahang primetime teleserye sa ABS-CBN na Bagito na mapapanood na simula ngayong Lunes (Nobyembre 17), bago mag-TV Patrol.

Ang Bagito, na hango sa Wattpad series na isinulat ni Noreen Capili, ay iikot sa kwento ni Drew (Nash), isang binatilyo na maagang haharapin ang responsibilidad ng pagiging isang ama dahil sa isang malaking pagkakamali.

Paano magbabago ang buhay ni Drew at ng kanyang mga mahal sa buhay sa pagdating ng kanyang anak? Handa na ba siya na talikuran ang buhay ng isang bata at harapin ang hirap ng buhay bilang isang binatilyong ama? Ano bang mahalagang gagampanan ng mga magulang ni Drew sa pagsuong niya sa “totoong mundo?”

Bukod kina Nash at Alexa bahagi rin ng Ba­gito ang Kapamilya teen star na si Ella Cruz at ang mga batikang artista na sina Agot Isidro, Ariel Rivera, at Angel Aquino.

Ang Bagito ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television.

Celebrities at business personalities, sanib-puwersa sa sari-sari stars online charity sale

Mas magiging makabuluhan ang selebrasyon ng Pasko ngayong taon lalo na at magsasama-sama ang mga kilalang celebrities at tinitingalang business persona­lities sa bansa para sa one-of-a-kind online fundraising activity na Sari-Sari Stars.

Lalahok ang mga celebrities at business icons sa Sari-Sari Stars ng BuyandSellPH.com kung saan puwede nilang i-pledge ang ilan sa kanilang most valued personal items at services sa special online sale na ito para sa disaster response at preparedness programs ng Tulong Kapatid, ang CSR consortium ng MVP Group of Companies.

Sa fundraising activity na ito maaring mabili ang mga pre-loved merchandise, autographed goods o sorpresang services ng mga magsisilahok na showbiz perso­nalities at high-profile company executives.

Nagsimula ang Sari-Sari Stars noong Sabado, November 15, 2014, sa pagbubukas ng www.BuyandSellPH.com, ang bagong website ng Buy & Sell newspaper, ang pioneer sa free classifieds advertising sa bansa.

At para gawing mas espesyal ang fundraising activity na ito, maaaring makaharap personally ng mga buyers ang mga celebrity sellers and personalities na nag-donate ng kanilang items and services sa gaganaping on-ground culmina­ting event sa December 5 sa Meralco grounds.

Bumisita sa www.BuyandSellPH.com para sa karagdagang detalye.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ALEXA ILACAD

ANG BAGITO

CRISTINE

KAPAMILYA

SARI

SARI-SARI STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with