^

PSN Showbiz

Marvin at Jolina kasama sa papalit sa Be Careful…

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: “Busy sa Twitter at busy sa Instagram” ang sagot ng isang GMA Artist Center executive nang kumustahin  ang mga pinagkakaabalahan ngayon ni Aljur Abrenica na iniwanan ang talent management agency ng GMA 7 dahil hindi siya happy sa mga project na ibinibigay sa kanya.

SCENE: Ang waiter na si Nikko Seagal Natividad ng Malolos, Bulacan ang kauna-unahang winner ng Gandang Lalake ng It’s Showtime ng ABS-CBN. Iyak nang iyak si Nikko nang i-announce na siya ang winner pero nakuha pa niya na sabihin ang kagustuhan na maging artista upang matulungan niya ang kanyang pamilya.

SEEN: Late na dumating sa presscon ng Dilim si Princess Snell aka Nathalie Hart. Napuna ng mga reporter na may nagbago sa mukha ni Nathalie kaya tumapang ang kanyang dating maamo na itsura.

SCENE: Kinumpirma ng direktor na si Joey Reyes na siya ang direktor ng Chinoy, ang next project ng Regal Entertainment Inc. tungkol sa young generation ng mga Filipino-Chinese. Ang Chinoy ang second movie ni Kylie Padilla sa Regal Entertainment Inc.

SEEN: May drama si Katrina Halili na huwag na siyang tanungin tungkol kay Kris Lawrence at sa kanilang paghihiwalay pero siya ang kusang nagbibigay ng mga impormasyon at sagot nang sagot sa mga tanong ng mga reporter.

SCENE: Si Isay Alvarez ang mahigpit na kalaban ni Sylvia Sanchez sa  ‘pahingi ng award acting’  dahil sa kanyang over the top performance  bilang feisty lawyer sa The Trial ng Star Cinema.

SEEN: Ang Forevermore ang papalit sa timeslot ng Ikaw Lamang na magwawakas sa October 24. Mga bida sina Enrique Gil at Liza Soberano sa Forevermore na magsisimula sa October 27 at mapapanood sa ABS-CBN.

SCENE: Balik-ABS-CBN sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal dahil kasama sila sa cast ng Flordeliza, ang ‘lightserye’ na ipapalit sa Be Careful With My Heart na magtatapos sa November 28.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANG CHINOY

ANG FOREVERMORE

ARTIST CENTER

BE CAREFUL WITH MY HEART

ENRIQUE GIL

REGAL ENTERTAINMENT INC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with