^

PSN Showbiz

Akala nakabingwit ng ‘malaking isda’ Aktres makunat ang napangasawang milyonaryo, kahit phone bills kanya-kanya ang bayad

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Akala pa naman nu’n ating kababayan ay mala­king isda ang nabingwit ng isang aktres dahil pinakasalan siya ng isang milyonaryong pigura.

Naisip ng mas nakararami nu’n na nagsiguro na agad sa kanyang kinabukasan ang magandang aktres dahil wala nga namang kasiguruhan ang pag-aartista.

Pero kabaligtaran pala nu’n ang totoo, walang nahahawakang pera na galing sa lalaki ang aktres, kani-kanyang bayad din sila ng bills na nakokonsumo nila.

Hati sila sa gastusin sa tinitirhan nilang condominium, kung kuryente ang sagot ng lalaki ay tubig naman ang partisipasyon ng babae, depende ‘yun sa kanilang usapan.

“Pero sa phone bills, kani-kanya sila, hindi nanggagaling sa lalaki ang payment ng phone bill ni ____(pangalan ng magandang aktres). Siya ang nagbabayad nu’n,” kuwento ng isang source na malapit sa mag-asawa.

Mali ang hula ng marami nu’n na namumuhay nang masagana ang aktres dahil milyonaryo nga ang kanyang napangasawa.

Walang-wala ring kato­to­hanan ang kuwentong na­­hihiga na sa salapi ang magandang aktres.

May kakuriputan pala ang milyonaryong napangasawa niya, kahit sa pagkain ay tipid na tipid ang babae, ‘yun kaya ang dahilan kung bakit super-payat siya?

“Kung phone bill nga lang niya, e, hindi pa maakong bayaran nu’ng lalaki, magkakaroon pa ba naman siya ng chance na mahiga sa salapi? Super-kuring ang napangasawa niya, mahigpit sa pera!” madiin pang dagdag ng aming impormante.

Mabuti na lang at sanay sa simpleng buhay ang aktres, hindi naman kasi siya galing sa mayamang pamilya, marunong siyang mamaluktot kapag maigsi ang kumot sabi nga.

“Kapag meron siyang regular na kinikita, nagsi-shopping siya, pero kapag wala, di nganga!” napapailing pang kuwento ng aming source.

Ubos!

Piolo ‘damo’ ang bagong bisyo!

Kahit nagkakaedad na si Piolo Pascual ay naka­pang-aagaw pa rin ng pansin ang mga billboards niya sa kahabaan ng EDSA. May isa na magkasama sila ng kanyang anak na si Iñigo, mas guwapo talaga ang ama kesa sa kanyang anak, at ang pinakabago na­mang nagtatampok sa magandang katawan ni Piolo ay ang billboard ng Sante Pure Barley Max.

Nakahubad si Piolo sa Berley Max billboard, ki­tang-kita ang kanyang abs, kapag tumatapat sa billboard na ‘yun ang mga bus ay makikita mo ang mga pasahero na titig na titig kay Piolo.

Minsan ay makakakita ka pa ng mga kababaihang nakaumang ang mga camera ng kanilang cell phone sa Barley Max billboard, wala pa ring kupas ang kaguwapuhan at katipunuan ng katawan ng aktor, kahit pa may teenager na siyang anak.

Epektibo ang produktong ineendorso ni Piolo, mara­ming kaibigan namin ang umiinom ng Sante Pure Barley, ang mismong PA naming si Tina Roa ay masayang-masaya dahil mula nang uminom na ng Barley juice ang kanyang kapatid ay lumiit na ang bukol nito sa leeg dahil sa goiter.

Barley juice sa umaga at dalawang capsules sa umaga at gabi ang iniinom nito, ilang buwan lang pagkatapos ay lumiit na ang kanyang leeg, pati ang ibang sakit ng kapatid ng aming PA ay nawala na rin.

Kapag nadaraanan namin ang billboard ni Piolo Pascual ay hindi ang kaguwapuhan at ganda ng katawan ng aktor ang aming naiisip. Mas nangingibabaw para sa amin ang mga kuwento ng aming mga nakakausap tungkol sa pagkaepektibo ng produktong siya ang modelo.

Tamang tagapag-endorso ng Barley Max si Piolo dahil wala siyang bisyo. Clean living ang sinusunod niyang panuntunan sa buhay. Hindi siya nagsisigaril­yo, hindi rin umiinom, lalong hindi siya alipin ng droga.

Damo lang talaga ang bisyo niya. Barley grass. Ang epektibong damo mula sa New Zealand na kilalang-kilala na ngayon sa buong mundo.

vuukle comment

AKTRES

BARLEY

BARLEY MAX

BERLEY MAX

KANYANG

PIOLO

PIOLO PASCUAL

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with