^

PSN Showbiz

Bago ang demandahan Derek at asawa 10 taon ‘di nag-usap!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Dahil sa nalalapit na 19th anniversary ng Bubble Gang, magsi-celebrate ang ilang cast sa Celebrity Bluff mamayang gabi pagkatapos ng Magpakailanman.

Lalong naging riot ang comedy/game show na ito dahil sa kalokohan ng mga bluffers na sina Jose Manalo, Boobay at Brod Pete, at nakisabay din si Eugene Domingo.

Masaya kung paano nila pinaglaruan ang isa’t isa.

PAK : Talagang sinusunod ng magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kaugaliang Pinoy ng mga nagpapakasal.

Namanhikan na si Dingdong kina Marian sa tahanan nila sa Cavite na kung saan nandun ang kanyang pina­ka­mamahal na lola at ina.

Marami pa raw surprises na magaganap bago ang kanilang kasal, at lahat  ito ay i-update sa Startalk.

BOOM: Wala palang balak si Derek Ramsay na dumalo sa hearing sa Makati Prosecutor’s office kamakalawa ng hapon, pero nang nalaman daw niyang dadalhin ni Mary Christine Jolly ang kanilang anak, nagdesisyon siyang pumunta para makita raw niya ang kanyang anak.

Nagpapasalamat silang lahat dahil naging maayos ang kanilang pag-uusap at malaki ang posibilidad na magkaroon ng settlement alang-alang sa kanilang anak.

Kuwento ni Asst. City Prosecutor Erwin Dimayacyac, hindi raw maganda ang unang usapan. Nagkaroon ng sigawan, iyakan at sumbatan kaya hinabaan daw niya ang kanyang pasensya hanggang sa nagkakaayos sila.

Aniya: “Ngayon lang kasi sila nag-usap for the first time in 10 years imagine. May sigaw, merong lumuha, normal lang ‘yun kasi nga matagal silang hindi nag-usap. Pero ayun, nagkasundo naman sila, ang problema sa kanilang dalawa ‘yung miscommunication, misunderstanding, ‘yun ang hindi nila naayos.”

Nagpahayag din ang bagong abogado ni Mary Christine na si Atty. Argee Guevarra ng “All’s well that ends well.”

Pagkatapos ng matagal na pag-uusap nina Derek at Mary Christine, hindi na umeksena itong bagong abogado ng huli. Hindi kagaya nung nasa presscon sila na siya ang salita nang salita at pumapel nang husto sa isyung iyun.

 

vuukle comment

ARGEE GUEVARRA

BROD PETE

BUBBLE GANG

CELEBRITY BLUFF

CITY PROSECUTOR

DEREK RAMSAY

DINGDONG DANTES

MARY CHRISTINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with