^

PSN Showbiz

Actress na na-infect ang boobs, ayos na uli!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi na nag-react ang kampo ni Derek Ramsay sa mga huling pahayag ng dating asawang si Mary Christine Jolly.

Wala naman dito si Derek dahil ang pagkakaalam namin ay nagsisimula na ito sa Amazing Race Philippines kaya hindi na namin siya nakunan ng sagot sa mga sinabi ni Mary Christine na ginawa raw niya ito para sa kanyang anak.

Noon pa man ay sinasabi ni Derek na mas gusto niyang gawing pribado na ang lahat pagdating sa kanyang anak. Wala siyang puwedeng sabihin para gamitin lang ang bata.

Hihintayin na lang nila sa September 4 ang pag-submit ni Mary Christine ng kanyang reply sa counter-affidavit ni Derek, at sasagutin din ito ng aktor.

Pero sabi ng abogado ni Derek na si Atty. Joji Alonzo, marami pa raw silang ilalabas laban kay Mary Christine.

PAK: Proud na raw si sexy star sa bagong boobs niya na ipinaayos sa isang doktor na hindi pa gaanong sikat, pero magaling daw.

Nasira pala ang boobs ni sexy actress dahil nagkaroon daw ito ng infection kaya ipinaayos ito ng doktor at mabuti na lang, naayos naman.

Ngayon ay kaya na ni sexy actress na ibalandra ang maganda niyang boobs na bagong ayos.

BOOM: Ayon sa nakuha naming impormasyon, pumanaw si Mark Gil sa sakit na Cirrhosis of the Liver sa tahanan ng kapatid niyang si Cherie Gil.

Kararating lang daw ng magulang ni Mark na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil bago ito binawian ng buhay.

Bahagi lang ng statement na ipinadala mula sa kampo ni Gabby Eigenmann: “As of now, the family is in deep grieving and they want private time with him.”

Nakikiramay po kami dito sa PSN sa pamilyang naiwan ng isa sa pinakamagaling at iginagalang na aktor na si Mark Gil.

 

vuukle comment

AMAZING RACE PHILIPPINES

CHERIE GIL

CIRRHOSIS OF THE LIVER

DEREK

DEREK RAMSAY

EDDIE MESA

GABBY EIGENMANN

JOJI ALONZO

MARK GIL

MARY CHRISTINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with