Lyca pasok na sa pelikula ni Vice Ganda!
Seen: Vindicated ang direktor na si Jay Altajeros dahil Best Picture sa Directors Showcase Category ng 10th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ang kanyang gay-themed movie na Kasal na hindi popular sa ilang mga film critic at moviegoers.
Scene: Vindicated si Nora Aunor sa National Artist Award na ipinagkait ng Malacañang Palace dahil siya ang Best Actress winner sa Directors Showcase Category ng Cinemalaya X.
Seen: Balik-Pilipinas si Mariah Carey sa October 28 para sa kanyang I Am Mariah World Tour sa Mall of Asia Arena.
Eleven years na ang nakakaraan mula nang unang magtanghal si Mariah sa Pilipinas.
Scene: Si Manolo Pedrosa ang pinalabas sa PBB House noong Linggo. Dismayado ang fans ni Manolo dahil hindi siya kasama sa Big Four ng Pinoy Big Brother (PBB) All in.
Seen: Ngayon ang 45th birthday ni Aga Muhlach, 32nd birthday ni Iza Calzado, at 30th birthday ni Marian Rivera.
Scene: Magsasalpukan sa box-office sa August 20 ang Somebody to Love ng Regal Entertainment Inc. at Talk Back and You’re Dead ng Skylight Films at Viva Films.
Seen: Kinaiiritahan ang pagiging maepal at smart aleck attitude nina Darlene Vibares at JK Labajo ng The Voice Kids. Trying hard sa pagpapansin sina Darlene at JK.
Scene: Ang offer ni Vice Ganda kay Lyca Gairanod na isali ito sa cast ng official entry niya sa 2014 Metro Manila Film Festival, ang Praybeyt Benjamin 2 na katuparan ng pangarap na maging artista ng The Voice Kids Champion.
- Latest