^

PSN Showbiz

Pelikula nina Daniel at Kathryn kilig overload, pero sasagasa sa bagyo!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kilig overload ang pelikulang She’s Dating the Gangster. Swak na swak sa magka-loveteam na sina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo ang kuwento ng pelikula na hindi lang basta tungkol sa gangster dahil may ibang twist.

At hindi lang pagpapa-cute ang ginawa nila sa pelikula meron silang drama na nakakaiyak ha. Iilang eksena rin na long hair si Daniel na pinipintasan nilang hermitanyo daw ang hitsura. Cute nga niya sa movie eh.

Maganda rin ang role nina Richard Gomez and Dawn Zulueta na may kakaibang magic talaga kaya kailangan talaga ninyong panoorin ang pelikula.

At na-master na rin talaga ni Direk Cathy Garcia Molina ang mga nakakakilig na pelikula.

Showing ngayong araw ang movie sa maraming sinehan sa buong bansa. ‘Yan ay kung lilihis na ang bagyong Glenda na nanalasa sa ibang bahagi ng bansa.

Pero sa Metro Manila naman ay hindi masyadong ramdam kahapon so kung hindi hahampas sa MM, siguradong susugod ang mga estudyante sa mga sinehan (sa mall) dahil suspended na rin ang klase, all level, sa buong MM bilang sinasabing magla-landfall ang bagyong Glenda ngayong umaga.

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang She’s Dating a Gangster.

Nanay nina Albert at William namaalam

Pumanaw si Mrs. Margarita Pineda Martinez sa edad na 68 kahapon ng umaga. Siya ang ina ng aktor na sina Albert at William Martinez.

Naulila ni Mrs. Margarita ang asawang si Albert Sr., at mga anak na sina Albert, William, Ronnie and Bernadette. Nasa Heritage Memorial Chapel ang wake ni Mrs. Martinez na matagal-tagal na rin daw may karamdaman.                                  

vuukle comment

ALBERT SR.

CINEMA EVALUATION BOARD

DANIEL PADILLA AND KATHRYN BERNARDO

DATING THE GANGSTER

DIREK CATHY GARCIA MOLINA

GLENDA

GRADED B

METRO MANILA

MRS. MARGARITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with