^

PSN Showbiz

Katawan ni Cristine pilit na itinago ni Derek

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kahit naghiwalay na sina Cristine Reyes at De­rek Ramsay ay hindi sila nagkaro’n ni munti mang problema sa kanilang pagtatambal sa Trophy Wife ng Viva Films na mapapanood na sa July 30.

Hindi basta pinagsama lang ang dalawa sa nasabing pelikula. Talagang may mga sizzling love and kissing scenes sila lalo na ‘yung nasa bathtub sila na maski ang dalawa ay hindi akalaing magagawa nila. Pero sa halip na magkailangan, nanaig ang ma­ganda nilang re­lasyon at nagawa nilang ma­pa­ganda ang eksena nila na animo ay sila pa gayung mag­kahiwalay na sila.

“Nang mahimasmasan ka­mi, mabilis naming nagawa ang eksena at maganda pa,” ani Cristine.

“Ang daming mga mata ang nakamasid sa amin. Ang ta­nging hangad ko ay maikubli ang katawan ni Cristine  at matakpan siya ng katawan  ko para naman siya maprotektahan. ‘Yun marahil ang kumuha ng atensyon ko kaya madali naming nagawa ang eksena namin. Nakatulong din ‘yung kumportable na kami sa isa’t isa. Hindi na mahirap mag-pretend na obsessed with each other ang mga roles namin,” ani Derek naman.

Nakatutuwang both are able to maintain a good relationship even after sa short union and most controversial split. Kung inaakala ng lahat na ang paghihiwalay nila ay puputol sa kanilang magandang relas­yon puwes, mali sila. Lahat ng mga nakarelasyon ni Cristine ay nanatiling mga kaibigan niya, tulad ni Derek. Maski na ngayong may foreigner na naman siyang dini-date na eksklusibo, andun pa rin ‘yung closeness ni Cristine sa mga nakarelasyon niya.

Ang Trophy Wife ay second team-up na ng dala­wa. They worked together for the first time sa The Secret Affair with Anne Curtis. Dun, mag-asawa ang roles nila at very tame ang mga love scenes nila kumpara rito sa Trophy Wife na ang istorya ay masalimuot  na pag-iibigan at tungkol sa paghihinganti. Kung sino sa kanilang tatlo nina  Derek, Cristine, at Heart Evangelista ang nag-iibigan at sino ang naghihiganti ay siyang malalaman sa istorya na  nasa direksyon ni Andoy Ranay. Nagtatampok din ito kina John Estrada, G Toengi, at Jackie Lou Blanco.

Direk Andoy isinalba si Heart!

Kahit anong pagtanggi ang gawin ni Heart Evangelista na may kinalaman ang boyfriend niyang pulitiko sa pagtanggi niyang gumawa ng mga matitindi at mapaghamong mga eksena sa kanyang pelikula, ayaw siyang paniwalaan. Ito ang tanggap ng tao na pinakamalaking factor kaya maingat siya sa pagpili ng kanyang mga proyekto. May ambisyon ang senador na tumakbo bilang pangulo sa nalalapit na eleksyon at ang pagiging maganda sa paningin ng kanyang audience ay isang malaking suporta ni Heart para sa kanyang nobyo, kahit pa sinasabi niyang wala pang nababanggit sa kanya ni anuman si  Senador  Chiz Es­cudero. “Pero siguro, maski na hindi kami, hindi ko pa rin makakayang gumawa ng mga torrid love scenes. Ipinagkakatiwala ko na lang ito sa iba,” paliwanag niya

Mabibigo ang marami sa manonood ng Trophy Wife dahil hanggang sa pagpapaseksi lamang ang ginawa niya. “Nagpapasalamat nga ako dahil the movie had to reshoot. May mga eksena na ni-require ang unang direktor na pumayag akong gawin. Direk Andoy was too kind not to let me do it again,” pag-amin ng aktres.

JM handa nang subukan ang ikalawang buhay

Maganda kung maibabalik ni Direk Wenn Deramas ang career ni JM de Guzman. Sabi niya sa kanyang Facebook ay may nakaplano siyang movie para rito. Gusto lamang niya ay second chance para rito dahil pinangatawanan nito ang pagtama sa kanyang pagkakamali. Bukod sa talagang pinanindigan nito ang pagtalikod sa masama niyang bisyo, ang pagbabago sa kanyang buhay ay nagresulta sa pagganda ng kanyang pangangatawan at pagkakaro’n ng mas malawak na pagtanggap sa buhay. Handa na ito sa ikalawa niyang pagkakataon. Good!

Jeepney TV nangakong aayusin ang line up ng mga palabas

Appreciate ko ‘yung pangyayaring gustong ma-improve ng Jeepney TV ang kanilang programming. Nagreklamo kasi ako na hindi nila inaayos ang continuity ng mga programa nila sa madaling araw. Nangako naman sila na aayusin ito para hindi na paulit-ulit ang gagawing panonood sa mga programa nila ng isang insomniac na tulad ko. Sa­lamat Jeepney TV.

vuukle comment

CRISTINE

DEREK

DIREK ANDOY

HEART EVANGELISTA

SHY

TROPHY WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with