^

PSN Showbiz

Hit romance-suspense Asianovela na Secret Love, ipapalabas sa GMA Telebabad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simula ngayong Lunes (Hulyo 14), bibigyan ng Kapuso Network ng panibagong kahulugan ang pag-ibig sa pamamagitan ng pinakabago nitong primetime Koreanovela offering na Secret Love sa GMA Telebabad.

Pagkatapos ng matagumpay na pagpapalabas ng hit Koreanovela series na The Master’s Sun na nagbigay ng kakaibang kombinasyon ng tawa, pagmamahal, at nginig, nakatakda namang maghatid ng romance at suspense ang Secret Love sa mga manonood.

Tiyak na magiging patok din ang Koreanovela series na ito sa ating bansa dahil sa mga kapana-panabik na mga eksenang mapapanood gabi-gabi. Lalo ring makakaantig sa mga damdamin ng mga Pilipino ang mahuhusay na pagganap ng mga cast na magdadagdag ng ganda sa kuwento nito.

Subaybayan ang kuwento ni Dominic (Ji Sung), ang mayamang tagapagmana ng isang malaking kumpanya na nais maghiganti sa taong pumatay sa kanyang kasintahan sa nangyaring hit-and-run accident. Ang pagkamatay nito ay ibibintang kay Elise (Hwang Jung Eum), isang mabait na dalagang nasa loob ng kotse kasama ang kanyang nobyong si Howard (Bae Soo Bin) na siyang nagmamaneho at nakabangga sa kasintahan ni Dominic.

Dahil sa sobrang pagmamahal kay Howard, aakuin ni Elise ang kasa­lanang ginawa nito upang hindi makulong ang kanyang nobyo. Ngunit kahit mayroong mabuting kalooban si Elise, iiwan pa rin siya ng binata.

Sa paghahangad na makapaghiganti, magiging sobrang obsess si Dominic kay Elise hanggang sa dumating na sa puntong patago niyang susundan ang dalaga kahit saan ito magpunta para makasigurong mapaparusahan nga ito. Masasaksihan din niya ang masamang pagtrato ni Howard kay Elise hanggang sa makulong ito at tuluyan nang makalaya.

Dahil sa patagong pagsunod nito kay Elise, makikilala niya nang lubusan ang dalaga kaya naman mapapalitan ng lihim na pag-ibig ang naramdaman niyang galit noon. 

Huwag palalampasin ang hit Koreanovela na Secret Love na maghahatid ng mga nakakakilig at kapana-panabik na gabi sa mga manonood simula ngayong Lunes pagkatapos ng Ang Dalawang Mrs. Real sa GMA Telebabad.

vuukle comment

BAE SOO BIN

DAHIL

DOMINIC

ELISE

HOWARD

HWANG JUNG EUM

JI SUNG

KOREANOVELA

SECRET LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with