^

PSN Showbiz

Marian wagi na namang pinaka-seksi!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kabogera talaga si Marian Rivera. Hamakin mo, 1.5 million ang nakuha niyang boto kaya nanalo na naman siyang Sexiest Woman of 2014. Hindi birong boto ‘yun ha.

Pangatlong beses na itong nadeklarang pinaka-seksi siyang babae ng FHM - una noong 2008, second in 2013 at ngayong 2014.

Sa kahit anong larangan, ang pinakamahalaga ay ang mga taong nandyan para sayo, gagawin ang lahat nang walang kapalit na hinihintay, tatanggapin ka bilang ikaw sa kahinaan mo man o kalakasan at ang pagmamahal na walang hanggan. Salamat dahil yan ang palagi ninyong pinaparamdam sa akin... ano man ang natatamasa ko ito ay utang ko sa inyo. Salamat at kayo ang isa sa mga BIYAYA na pinagpapasalamat ko. Muli maraming salamat sa lahat ng bumoto sa akin,” pasasalamat ni Marian sa kanyang Instagram account kahapon.

IFX nagbukas na

Pormal na nagbukas kahapon ang International Film Expo (IFX) sa SMX Convention Center, Function Room 4 na tatagal hanggang Sunday (June 29). Layunin ng IFX na ipakita ang latest trends in the global film market.

Ang IFX with the theme Your Film Corridor to Asia, and organized by the Film Development Council of the Philippines (FDCP) brings together prominent individuals, companies and ins­titutions in the industry to showcase the best and the latest they have to offer.

Kasali sa IFX ang veteran na Array’s Technology Inc. and newcomer Thirty Six-O, both film equipment suppliers. Likewise, production companies RSVP Film Productions, CreatiVoices Productions, Pixel Art Media, and Optima Digital ay present, at maging film schools like the International Academy of Film and Television and the University of the Philippines Film Institute ay kasali.

Magka-conduct din ng seminar ang mga exhibitor throughout the event. 

For more information regarding the IFX, visit www.ifx.ph

Alex hindi pa nararamdaman ang pure love

Hindi pa nararamdaman ni Alex Gonzaga ang pure love. Komo nga Pure Love ang title ng bagong teleserye niya, aminado siya na hindi pa talaga siya nakakatagpo ng pure love. Katwiran niya, “Kasi hindi sila pure! Ha! Ha! Ha!”

Eh, pagdating sa love life, hindi niya kino-consider na boyfriend ‘yung hu­ling lalaki sa buhay niya.

“Kasi kumbaga, ang tagal niyang nanligaw, tapos, parang naging official kami kaya lang ang bilis lang. So parang hindi ko na rin naramdaman. Hindi ko siya kinu-consider dahil hindi siya pure.

“Hindi siya meant to be talaga. Parang na-feel ko na hindi siya talaga meant to be. Eh, ayaw naman din ng Ate (Toni Gonzaga) ko. Meron din siyang ganoong factor!,” tawa nang tawang sagot ni Alex sa press launching ng kanyang pinagbibidahang Pinoy adaptation ng patok na Korean serye.

Tunay na pagmamahal ang tema ng Pure Love na halaw sa hit 2011 Korean TV series na  49 Days, ang local adaptation ng Pure Love  ay sesentro sa kahalagahan ng tunay na pagmamahal at ang katatagan ng relasyon ng pamilyang Pilipino. Ibabahagi nito ang kwento nina Diane (Alex), isang masayahin, positibo at laki sa yamang dalaga na mistulang perpekto na ang buhay; at Ysabel (Yen Santos), isang ordinaryong manggagawa na nawalan na nang ganang mabuhay mula nang mamatay ang kanyang BF.

Dahil sa isang aksidente, pagtatagpuin ng tadhana sina Dia­ne at Ysabel. Nang ma-comatose si Diane, nalaman niyang hindi pa niya oras mamatay. Kaya naman binigyan siya ng pagkakataon ng isang misteryosong ‘scheduler’ para mu­ling mabuhay sa isang kondisyon--sa loob ng 40 araw, kinakailangan niyang makahanap ng tatlong tao maliban sa kanyang kapamilya na luluha dahil sa tunay na pagmamahal sa kanya. At para magawa ito ay hihiramin niya ang katawan ni Ysabel.

Magtagumpay kaya sina Diane at Ysabel sa hamon na mabalik ang kani-kanilang buhay sa loob ng 40 araw?

Makakasama nina Alex at Yen sa pinakabagong Primetime Bida tele­serye sina Arron Villaflor, Arjo Atayde, Joseph Marco, Matt Evans, Yam Concepcion at ipinakikilala si Anna Luna. Kukumpleto sa cast sina Sunshine Cruz, John Arcilla, Ana Capri, Bart Guingona, Dante Ponce, Shey Bustamante. Ang Pure Love ay sa ilalim ng direksyon nina Veronica Velasco at Mikey Del Rosario.

 

vuukle comment

ALEX

FILM

IFX

LOVE

PURE

PURE LOVE

YSABEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with