^

PSN Showbiz

Angel Locsin muling gaganap na Darna

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung dati ay kinagiliwan si Angel Locsin bilang "Darna" sa telebisyon, muling lilipad ang Kapamilya aktres at ngayon ay sa sinehan na.

Magkakaroon ng movie adaptation ang Darna na likha ni Mars Ravelo.

“Yes, puwede ko na siguro sabihin. It’s official. Nasa akin na ulit ang bato!” pahayag ni Angel kagabi sa pag-aanunsyo ng Star Cinema kasama sina Direk Erik Matti at Don Monteverde.

Sinabi ni Angel na nitong kamakalawa lamang ito kinumpirma sa kanya kung saan sa susunod na taon ito mapapanood.

“Nagpapasalamat ako sa pamilya ng Ravelo for trusting me again especially sa pinakamamahal ko na Star Cinema at ABS-CBN,” wika ni Angel.

“Hindi ko akalain na magagbabalik ulit ako. Naiiyak naman ako. Emosyonal naman ako dito.

Nagsimulang umusbong ang career ni Angel nang ganapan niya ang superhero role noong nasa GMA7 pa siya.

“Pero maraming salamat kasi ang laking part ng career ko ‘to. Parang, pasasalamat ko na rin sa mga tao dahil dito nag-boom yung career ko. Tapos nakilala ako, nagkaroon ako ng magandang trabaho. Nabubuhay ko ng kumportable yung pamilya ko. So, pasasalamat ko talaga," banggit ng aktres.

vuukle comment

AKO

ANGEL LOCSIN

DARNA

DIREK ERIK MATTI

DON MONTEVERDE

EMOSYONAL

KAPAMILYA

MARS RAVELO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with