^

PSN Showbiz

Mabilis ang depensa Rhian kaibigan lang daw si Marc Nelson

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Alam ni Rhian Ramos ang tsismis sa kanila ni Marc Nelson, na ito raw ang bago niyang significant other. Kaya nang tanungin namin sa presscon ng My Destiny kahit wala kaming binanggit na pa­ngalan, nag-deny na ito.

“No, it’s not true, we’ve been friends. I’m enjoying myself alone at marami akong self discovery. Napansin ko nga, people treat you differently when you’re single,” sagot ni Rhian at ending na rin ng topic kay Marc.

Segue agad si Rhian sa My Destiny at masaya siya sa role ni Joy dela Rosa dahil kahit hindi main lead, siya naman daw ang conflict ng story.

“I am the conflict, I always have to be around. Pero hindi super drama ang My Destiny, this is a very light love story and so many comedic moments,” ayon pa kay Rhian.

Kuwento ni Rhian, matagal na niyang nire-request sa GMA 7 ang ganitong role na hindi bida at hindi rin kontrabida. Gaya raw sa Hollywood na walang good or bad guy at ang ibenebenta ay ang magandang story. Mapapanood na simula sa June 30, pagkatapos ng Niño, ang My Destiny.

Handler nagpapapansin, ipinaaalam pa sa press ang toxic schedule ng aktres

Bakit kaya tine-text sa press ng handler ng isang artistang may teleserye ngayon ang madugong taping ng aktres? Isa kami sa nakatanggap ng text ng handler na sinabing 4 a.m. ng Wednesday na na-pack-up ang taping ng aktres ng teleserye at sa Antipolo ang location.

 Pero hindi pa sila nakauwi dahil 6 a.m. ng Wednesday, sa Subic naman ang taping nila. So from Antipolo, diretso sila sa Subic at hindi niya alam kung anong oras matatapos ang taping at kung kailan sila makakauwi.

Para namang may power ang press na baguhin ang taping schedule sa ginawa ng handler na ipaalam ang tungkol doon. Saka, alam ng artista at manager nito ang toxic schedule nang tanggapin nila ang project. Plus malaki ang talent fee ng aktres, kaya nga wala itong reklamo.

Direk GB hindi masabi Ang totoong status nila ni Ritz

Na-corner ng press si director GB Sampedro sa presscon ng grand finals ng Celebrity Dance Battle ng TV5 na mapapanood sa Saturday, June 28. Ang love life nito ang inurirat ng mga reporter dahil sa tsika sa kanila ni Ritz Azul.

Conflicting ang sagot ni Direk GB dahil sa una, sinabi niyang friend lang niya si Ritz at artista niya ito sa Separados. Later on, inaming sa part niya, exclusively dating na sila ng aktres.

Ano ba talaga Direk GB? Friend o exclusively dating kayo ni Ritz? Nalaman din namin na pati pagdya-jogging magkasama kayo ni Ritz at ibig sabihin, sinusundo mo ito sa house niya para sabay na kayong tumakbo.

Walang oras sa kanya nu’ng anniversary Iwa aminadong may problema kay Pampi

Isa sa finalist sa Celebrity Dance Battle ng TV5 na nagwi-wish mag-uwi ng P1M ay si Iwa Moto na kahit malusog pa, todo ang hataw. Si Ciara Sotto raw ang mahigpit niyang karibal sa grand prize at pabiro itong nag-wish na sana magkamali si Ciara para may chance siya.

Thankful si Iwa na napasali sa Celebrity Dance Battle dahil nakatulong ito para siya’y pumayat. Tumitimbang pa si Iwa ng 136 lbs. ngayon, malayo pa sa ideal weight niyang 125 to 120 lbs. Kaya kahit tapos na ang contest, tuloy siya sa pagpapapayat.

Itinanggi nitong hiwalay na sila ni Pampi Lacson, pero inaming nagkakaproblema sila dahil sa oras. Nagtampo si Iwa na noong anniversary nila, wala silang celebration dahil busy si Pampi.

Ipinakita pala ni Iwa ang pictures ni Mimi, anak nila ni Pampi sa kanyang cell phone at kuha ng bagets ang feature ng mga Lacson at may hawig din kay Thirdy, anak ni Pampi kay Jodi Sta. Maria.

Rich mas gustong maging bad girl!

Tama ang desisyon ni Rich Asuncion na mag-stick sa pagiging kontrabida dahil hindi siya nawawalan ng show. After Kambal Sirena na ending na sa Biyernes, mapapanood siya sa Yagit sa isa uling bad girl role. Iniisip na nito ang gagawing atake sa role na ibinigay sa kanya para maiba sa mga naunang kontrabida roles na ginampanan.

Naaliw kami sa sagot ni Rich kung ‘di ba siya nangangarap magbida pa? Ang sagot nito, sa edad niyang 25 years old, hindi na niya hinahangad na magbida pa. Ang importante may trabaho siya at mas gusto na rin niya ang character role dahil nagtatagal at mas maraming trabaho.

vuukle comment

CELEBRITY DANCE BATTLE

DAHIL

MY DESTINY

PAMPI

RHIAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with