^

PSN Showbiz

Gerald hindi mahilig magsuot ng briefs!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Natawa ang ilang entertainment press na dumalo sa kauna-unahang HBC Makeover Day sa Trinoma last Thursday afternoon dahil nang duma­ting sa ve­nue si Gerald Anderson, agad siya sinundan ng media sa backstage. Pero nakiusap siya sa mga ito na bigyan siya ng ilang minuto dahil magsusuot lamang daw siya ng briefs.  Doon lamang napagtanto ng mga reporter na hindi pala mahilig magsuot ng briefs ang boyfriend ni Maja Salvador. Kailangan niyang magsuot ng briefs dahil manipis ang suot nitong puting pantalon na katerno ng kanyang Hawaiian polo shirt.

Matteo at Sarah hindi na kailangang umamin

Kung tutuusin, hindi na kailangang umamin pa nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli tungkol sa estado ng kanilang relasyon dahil obvious naman na sila na at halata ito sa kanilang mga kilos.

Kung si Matteo lamang siguro ang masusunod, gusto niyang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano siya kasaya with the Pop Princess pero nire­respeto niya ang mga magulang ni Sarah, in the same manner na nirerespe­to niya ang pagiging pribado ni Sarah pagdating sa usaping puso.

Ang mahalaga kina Sarah at Matteo ay pareho silang masaya ngayon kung anuman ang meron sila. 

Kahit twenty five na si Sarah, ipinagpapaalam pa rin siya ni Matteo sa parents nito sa tuwing sila’y lu­malabas kaya naman tiwala sa kanya (Matteo) sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Jake ayaw nang pakawalan ang model na girlfriend

Mukhang super in love ngayon ang aktor na si Jake Cuenca sa kanyang bagong Fil-Australian model girlfriend na si Chanel Olive Thomas at hindi nito itinatago ang relasyon sa dalaga. Bagkus ay ipinanga­ngalandakan pa niya ito laluna sa pagpu-post ng kanilang mga romantic photos sa Instagram.

Umaasa si Jake na ‘for keeps’ na si Chanel sa kanyang buhay.

Matagal ding naugnay ang pangalan ni Jake kay Lovi Poe na never namang umamin na naging sila ng aktor.  At ang dalawa pa sa mga naging showbiz girlfriend ni Jake ay sina Roxanne Guinoo at Melissa Ricks.

Speaking of Jake, isa siya sa mga pinagkaguluhan ng mga fans sa National Makeover Day ng HBC na ginanap sa Trinoma Activity Center last June 12 kung saan nag-perform din sina Gerald Anderson, Ahron Villaflor, at Joseph Marco.

vuukle comment

AHRON VILLAFLOR

CHANEL OLIVE THOMAS

GERALD ANDERSON

JAKE CUENCA

JOSEPH MARCO

LOVI POE

MATTEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with