^

PSN Showbiz

City of Stars matutupad na!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Thank you, thank you sa pamahalaan ng Quezon City lalo na kina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte sa paglalaan nila ng pondong P100M para sa pagtatayo ng isang Entertainment Boulevard, hindi man sa Quezon City Memorial Circle na unang pinangarap kong lugar kundi sa kahabaan ng Sgt. Esguerra na kung saan matatagpuan ang dalawa sa pinakamalaking TV stations sa bansa, ang ABS-CBN at GMA.

Ano pa ba ang mahihiling ko? Unti-unti ay naki­kita ko na ang katuparan ng isang matagal nang pa­ngarap. Salamat sa lahat nang kinauukulan. Ayo­kong habaan pa ito at maiiyak na ako.

Aga at Charlene sinisiraan

Ah, hindi naman ako maniniwala na maghihiwalay sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales. Hindi rin ako maniniwala na ibang babae ang magiging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Hindi ganun ang pagkakakilala ko kay Morning, na alam kong napaka-tapat sa kanyang pamilya at sila ang itinuturing niyang pinakamahalaga sa buhay niya. Huwag na natin silang intrigahin at baka away mag-asawa lang ang meron sila na ordinary na sa sinumang mag-asawa.

May kakilala akong nakatanggap ng email tungkol sa paninira sa kanila, pero hindi niya pinaniwalaan dahil hindi nagpakilala ang nagpadala. Paano mo naman gagawing legit ang isang email na hindi nag­pakilala ang nagpadala.

Alex over staying na sa bahay ni Kuya

Considering na guest lamang si Alex Gonzaga sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother (PBB) All In, aba mukhang napapatagal na ang pag-i-stay niya sa bahay. Para tuloy siyang ordinary housemate na. Baka naman magalit na ang viewers ng show kapag tinanggal siya dun at inilabas na. This early napaka-predictable na raw ng mga matatanggal. Aber ma­tingnan nga kung totoo ang hinala ng nga manonood sa mga susunod na mai-evict sa show.

Nikki naagawan ng korona sa pagiging bff

Sayang si Nikki Vadez na dati ay strong contender para maging pambansang friendship sa mga pelikula o TV show. Bigla ay napatungan na siya nina Matet de Leon na napakahusay sa The Legal Wife at maging ni Beauty Gonzales na pansin na pansin sa Moon of Desire.  Habol ka Nikki!

 

AGA MUHLACH

ALEX GONZAGA

ALL IN

BEAUTY GONZALES

CHARLENE GONZALES

ENTERTAINMENT BOULEVARD

KUYA

LEGAL WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with