^

PSN Showbiz

Boy muntik nang maging pari

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

My something in common sina Boy Abunda, Direk Maryo J. delos Reyes and my former co-host in Isang Tanong, Isang Sagot, Anselle Beluso, lahat sila ex-seminarians. 

Kung hindi lumabas ng seminaryo sina Boy, Direk Maryo J. at Anselle, hindi mata-tap ang kanilang hidden talents na siya nilang pinakikinabangan ngayon.

Gabby namana ang husay sa pamilya

Malaking hamon sa kakayanan bilang aktor kay Gabby Eigenmann ang kanyang lead role sa bagong serye ng GMA kung saan siya gaganap na isang bading, mag-aasawa ng isang babae at magkakaroon ng anak na ang itatawag sa kanya ay Dading na ang ibig sabihin ay ang Daddy kong bading.

Sanay na si Gabby sa mga support roles na ipinagkakatiwala sa kanya ng GMA kaya malaking sorpresa para sa kanya ang bagong proyekto dahil siya mismo ang nasa title at lead role.

Hindi naman katakataka ang pagiging mahusay na aktor ni Gabby dahil sa kanyang showbiz lineage. Anak siya ni Mark Gil, tiyuhunin niya si Michael de Mesa at tiyahin si Cherie Gil, bukod pa sa mga grandparents niya sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa bukod pa sa iba pa niyang mga kaanak na lahat nasa showbiz. Pinsan din ni Gabby sina Sid Lucero (na isa ring mahusay na aktor), Geoff Eigenmann, Ryan Eigenmann, at tiyahin niya ang actress-director na si Gina Alajar.

Judy Ann at Gladys halos tatlong dekada nang mag-best friends

Halos 30 years nang mag-best friends sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes na nagsimula nang sila’y magkasama sa Mara Clara noong dekada ‘90. Parehong successful ang respective marriages nina Juday at Gladys. Judy with husband Ryan Agoncillo kasama ang kanilang dalawang anak na sina Yohan at Christopher habang ang mag-asawang Gladys at Christopher Rojas ay may tatlo namang supling.

Nang ma-Ondoy nung September 2009 si Gla­dys at ang kanyang pamilya na nakatira sa Vista Verde Executive Homes sa Cainta, Rizal, ang mag-asawang Juday at Ryan ang agad na sumaklolo sa kanila.

Hindi man nagkakasama lately sa isang serye sina Juday at Gladys, tuloy pa rin ang komunikasyon ng mag-best friends at magkumare.

vuukle comment

ANSELLE BELUSO

BOY ABUNDA

CHERIE GIL

CHRISTOPHER ROJAS

DIREK MARYO J

EDDIE MESA

GABBY EIGENMANN

GEOFF EIGENMANN

GLADYS

JUDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with