^

PSN Showbiz

Willie magbabalik TV na!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa loob ng tatlong buwan asahan ang pagbabalik ni Willie Revillame sa telebisyon matapos ang halos isang taong pamamahinga.

“Basta babalik na po ako within three months, sigurado po yan,” wika ni Willie nang mag-guest sa showbiz talk show na “Startalk” ng GMA7.

Natapos ang noontime show ni Willie na “Wowowillie” sa TV 5 nitong nakaraang taon at mula noon ay tinutukan muna niya ang kanyang mga negosyo.

“Nagiipon lang ako ng mas maraming ideas... Gusto ko yung masaya, ayoko ng malungkot. Gusto ko yung opening, nagsasayawan,” dagdag ng TV host na nanalagi ng tatlong taon sa Kapatid network.

Sinabi ni Willie na nais niya lamang magpasaya ng mga tao dahil puro kaguluhan na lamang ang naririnig ng publiko sa telebisyon at radyo.

“Ang napapanood natin sa news, puro na lang tayo corruption, puro patayan... Dapat sa gabi, habang kumakain ang pamilya sa hapag-kainan, ang pinanonood n'yo po ay mga good news.”

Samantala, nagkomento na rin siya sa mga ulat na nalululong siya sa pagsusugal.

“Yung perang nilalaro ko sa casino, perang pinaghirapan ko yan at hindi pera ng kung sinu-sino. Nag-e-enjoy lang ako sa buhay,” sabi ni Willie.

Inamin din niyang nagbenta siya ng ibang ari-arian ngunit hindi dahil wala na siyang pera.

“Ganito kasimple yan: marami kang nabiling investments, hindi mo na napapakinabanggan yung iba, ano gagawin mo dun? Nagbabayad ka ng monthly dues, nagbabayad ka ng taxes.”

DAPAT

GANITO

INAMIN

KAPATID

NAGBABAYAD

NAGIIPON

NATAPOS

SAMANTALA

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with