^

PSN Showbiz

Chito at Neri tumangging pag-usapan ang engagement

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Panay ang plug sa surprise birthday episode kay Judy Ann Santos na kasama si Ryan Agoncillo, pero kahit papano, binanggit pa rin ni Judy Ann ang Picture Picture na katapat ng programa niya.

Ginagawan pang biro ni Ryan ang pagpunta sa set ng programa ni Judy Ann kaya nakikitang wala talagang pressure sa kanilang mag-asawa kahit magkatapat ang programa nila.

Kahit mapapanood si Ryan sa katapat na programa, kuwela pa rin ang episode ng Picture Picture sa darating na Sabado dahil sa mga guest na sina Manny Castañeda, Michelle O’bombshell, Chariz Solomon, at si Fabio Ide.

PAK: Kung si Cristine Reyes ang masusunod, ang gusto sana niya ay baby boy ang ipinagbubuntis ng ate Ara Mina niya.

Aminado ang bagong Ever Bilena endorser na sobrang attached siya sa mga pamangkin niya kaya nga raw nung Mother’s Day ay binabati siya dahil parang nanay na rin daw siya sa mga pamangkin niya.

Pinag-iingat na raw nila ngayon si Ara para mabuo na raw nito ngayon ang ipinagbubuntis niya.

Dito na raw muna naka-focus dahil wala pa naman daw balak sina Ara at Mayor Patrick Meneses na magpakasal.

Huwag daw muna silang i-pressure sabi ni Cristine.

BOOM: Sobrang touching ang video ng proposal ni Chito Miranda kay Neri Naig.

Talagang kinarir ng soloist ng Parokya ni Edgar ang proposal na iyun na kung saan ginawa niyang parang music video para ma-document niya lahat.

Sinubukan naming makapanayam ang bagong engaged pero tumanggi muna silang magsalita.

Si Chito ang nakiusap na huwag munang magsalita, basta masayang-masaya raw sila ngayon.

Si Neri naman ay masayang i-share ito sa lahat, pero ang gusto niya kasama niya si Chito na magsalita.

Nag-text na muna ito sa handler niya kung ano ang nararamdaman niya ngayon pagkatapos ng proposal.

Sabi ng aktres; “Yes. We’re engaged! It was a perfect proposal! The effort, the concept. Ang galing ni Chito mag-acting hahaha! Last May 7 pa ‘yung proposal. And sobrang tagal ‘nya rin pala pinlano and natago ‘nya sa akin lahat ng details. I am so happy and blessed to have Chito in my life, I love him so much!”

                                                       

 

vuukle comment

ARA MINA

CHARIZ SOLOMON

CHITO

CHITO MIRANDA

CRISTINE REYES

JUDY ANN

NIYA

PICTURE PICTURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with