^

PSN Showbiz

Reklamong pang-aabuso ni Claudine kay Raymart, kinatigan ng Fiscal!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mukhang seryoso na ang magkapatid na Antoinette at Tom Taus na ituloy ang kanilang showbiz career dito sa bansa dahil panay na ang paglabas nila sa mga TV shows at tila wala nang balak pang bumalik ng Amerika.

Sa Sabado ng umaga ay mapapanood sila sa Sarap Diva ni Regine Velasquez na kung saan ipapamalas ni Antoinette ang galing niya sa pagluto ng sinigang sa bayabas. Si Tom naman ay magpapakitang-gilas sa galing niya sa pagdi-DJ na dati niyang ginagawa sa Amerika.

PAK: Groomzilla ang tawag ni Liza Dino kay Aiza Seguerra na abala sa pag-aasikaso sa lahat na detalye ng kanilang kasal.

Sa January 2015 daw ang wedding na gagawin sa Amerika at meron ding seremonya rito sa ating bansa.

Hindi pa nila masabi ang eksaktong date, pero gusto nga raw nila ang buwan ng Enero.

Kaya “groomzilla” ang tawag ni Liza kay Aiza, dahil sobrang perfectionist daw nito pagdating sa lahat na detalye ng kanilang kasal. Ayaw daw ni Aiza na hindi siya ang masusunod. Dapat daw lahat ay aprubado at swak sa kanyang taste.

BOOM: Dismayado ang kampo ni Raymart Santiago sa pag-akyat ng kasong Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children sa Marikina Prosecutor’s Office.

Pinanindigan nilang walang pang-aabusong ginawa ang aktor sa kanyang asawa kaya kinukuwestiyon nila ang naturang desisyon ng prosecution.

Ganunpaman, kailangan magpiyansa ni Raymart ng 4 thousand pesos para sa kasong ito.

Si Claudine naman ay nakatakdang magsalita isa sa mga araw na ito para sagutin ang lahat na mga naglalabasang isyu tungkol sa kanya.

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

AMERIKA

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN

LIZA DINO

MARIKINA PROSECUTOR

RAYMART SANTIAGO

REGINE VELASQUEZ

SA JANUARY

SA SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with